KABANATA 15: doughnut

19 2 1
                                    

doughnut

HEART'S POV

Nagmamaneho ngayon ang bakulaw samantalang ako ay bagot na bagot na dahil sa mabagal niyang pagmamaneho.

Binuksan ko ang bintana at inilabas ko ang mga kamay para
damhin ang sariwang hangin. Inilabas ko din ng kaunti ang ulo ko sabay tanaw sa mga nagluluntiang mga halaman.

"Hey, umayos ka nga." ani ng amo ko. Pero hindi ko siya pinansin. Ayokong makipag-usap sa kaniya.

"Miss A, ano ba?! Can you just sit there?!" aniya pa ng mas inilabas ko na nga ng tuluyan ang ulo at balikat ko.

"F*ck! You're so hard- headed! Then let it be!" aniya at binilisan na ang pagmamaneho.

Bumalik ako sa pagkakaupo at inilabas ko ulit ang mga kamay hanggang braso. Ngunit napilitan,akong ipasok ang mga ito paloob dahil sinimulan na niyang mas bilisan ang pagmananeho.

"Good, now close it." pagtutukoy sa bintanang nakabukas pa. "Close it now, Miss A." pag-uulit pa niya. Agad ko namang isinara ito.

"Saan ka pala pupunta?!" pagtatanong pa niya. Wow! Kanina pa nga siya nagmamaneho diyan hindi namab nagtanong.

"Sa...doon sa kung saan mo na lang ako ibinaba kahapon." ani ko pa.

Tumingin ako sa front mirror kung saan nakikita kong nakatingin din sa akin ang dalawang mga mata. Inilihis ko agad ang tingin ko, at ibinaling na lang ito sa labas.

"Is it really important to you?" tanong niya at inihinto ang sasakyan. May kinuha siya ng kung ano mula sa munting drawer sa sasakyan niya. "Here, the same version, same color, same---" hindi niya matapos-tapos ang sinasabi kasi kinuha ko agad ito at tiningnan. Napatango-tango na lang ako at ngumiti ng alanganin.

"Wala akong pake kung kapareho pa iyan ng sa akin. Ang gusto ko lang naman ay makita at maibalik iyon sa akin, iyong cellphone na itinapon mo. Yun lang. Kahit hindi na gumana basta maibalik lang siya sa akin." sabi ko at tinanggal na ang pagka-seatbelt mula sa akin. "Huwag kang mag-alala, hindi ko naman pinapahanap sa iyo pero tandaan mo sana kung saang banda iyon napunta. Atsaka, tinatanong mo kung importante ba talaga iyon sa akin? Yes, it is really important.Sobrang mahalaga, kagaya ng pagpapahalaga ng nagbigay niyan sa akin." dagdag ko pa.

Ngumisi siya at napailing-iling. "You're boyfriend? You love him that much ha?" natatawang tanong niya.

Shit! May topak na naman!

"No mister, it was given by my father. Okay lang sana kung nasira eh, basta nakikita ko lang iyon. Isa kasi iyon sa mga ibinigay ng papa ko, pinaghirapan niya para maibili kami noon ng kapatid ko. Kaso...sana lang mahanap ko pa." sabi ko at tuluyan ng lumabas. Nang maisara ang pintuan ng kotse niya ay nagsimula na akong lumakad papunta sa kung saan ako huling naghanap kahapon.

Medyo nagdidilim na naman, makulimlim ang kalangitan. Nagbabadya na naman. At ang masama ay wala na naman akong dala na payong.

"Heyy!" pagtawag niya sa akin. Nakasunod lang siya sa akin gamit kotse niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Inunahan niya ako tapos huminto sa may unahan at lumabas ng sasakyan. Pagkatapos lumapit siya sa akin.

"I-I am sorry, okay? But can just accept it? It looks like the same, then when you see this you will remenber your Dad."aniya sabay lahad pa din ng cellphone na binili niya.

What?!

"No, Mister Jade. Kapag nakikita ko iyan, naalala ko lang kung anong ginawa mo sa cellphone na hindi naman sayo. Ayy? No, natutulog nga pala ako noon. Natutulog ako pero kahit ganoon pa man, nanguha ka lang nang hindi naman sa iyo and what's worst? You threw it away. So, wala akong nakita sa ginawa mo. Pero, kahit pa man. Nai-imagine ko pa din." ani ko sa kaniya at nilagpasan siya.

My Own Heartless PrinceWhere stories live. Discover now