KABANATA 2: PAGKIKITA

37 4 10
                                    

★pagkikita★

HEART'S POV

Hapon na at nag-iingay pa din si Mama. Paano ba naman kasi ang gusto niya ay magpapa-enroll na kami ni Merien. Bahala na kung magwo-working student pero dapat daw na ang uunahin ko ay pag-aaral. Paano ko naman uunahin eh 'di pa naman nagsisimula ang klase? Atsaka 'di pa din naman ako nakapag-apply ng trabaho.

Hanep! Kaninang umaga lang namin pinag-uusapan iyon pero ito siya ang ingay-ingay. Hay naku! Sanay-sanay din 'pag may time. Ang kulit din kasi ni Aleng Julie, kaya nagkakaganyan 'yan si mama eh. May nagtuturo din kasi! Magkaibigan talaga!

"Heart, ano ba naman?! Kailangan bukas na bukas din ay mag-eenroll na kayo doon. Samahan mo itong kapatid mo. Hay nakung bata ka oh. Sasabihin pang sa katapusan na lang ng Mayo? Huwag ako Heart. Kasi dati, ganiyan din ang sinasabi mo eh. Pero pagdating ng petsa ng katapusan ng Mayo, sasabihin din naman na sa Hunyo na lang. Tapos ang ending kung kailan magsisimula ang klase doon pa magpapa-enroll!" bulyaw pa ni mama sa akin.

"Mama oo na po, kahit gusto niyo pa eh sa ngayon na lang eh pupunta agad kami doon," sabi ko pa habang may pataas-taas pa ng isang kilay.

"Oh? Sige! Umuwi na kayo sa atin at magbihis. Tapos pumunta na kayo doon sa university," ani ni mama.

"Mama naman eh! Grabe kayo ah?! Nag-j-joke lang naman po. 'Di na mabiro eh," sabi ko ng nakanguso.

"Hoy! Anong joke?! Hindi ito oras para sa pag-j-joke time mo na 'yan! Pag-aaral ang pinag-uusapan tapos nagbibiro ka?! Baka gusto mo na lang na 'wag na mag-aral?!"

"Sige na po Ma. Huwag na kayo mainis diyan. Pero bukas na lang po, pwede?" sabi ko at nag-puppy eyes pa.

"Hindi ako naiinis!" sabi ni mama at tiningnan ako sa mga mata. "...Nagagalit na ako!!! Papayag naman pala, sige bukas na lang nga. Sinayang mo pa laway ko." ani niya.

"Ma, laway niyo naman po iyan. Paanong ako ang nagsayang?" taka kong tanong.

 "Marianella Ivy Heart?!!" tawag ni mama sa akin.

"Ma, andito lang ako sa tabi niyo tapos isisigaw mo pa pangalan ko. Sino pa ba 'yung Ivy ang tinatawag niyo?!" tanong ko.

"Aba?!! Julieta!!!" tawag ni mama kay Aleng Julie. Pumasok din naman agad si Aleng Julie.

"Bakit?" takang tanong ni Aleng Julie. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming mag-ina.

"Ikaw na kumausap diyan sa batang iyan! Tulungan mo din 'yan sa pagluluto. Hay naku! Aalis na muna ako!" sabi ni mama at kumuha ng basket.

"Saan ka po pupunta?" pagsingit na tanong ko habang nakangiti.

"Bakit?! Sasama ka?!" tanong niya. Ano daw?! Sabi niya dito lang ako tapos ngayon, tatanugin kung sasama ba ako?

"Hindi po. Nagtatanong lang eh," tugon ko.

"Bahala ka na diyan Julie, 'di ko gets ang mga jokes ng batang iyan? Mauna na ako," sabi ni mama tapos lumabas na ng kusina.

"Bakit mo kasi biniro eh?" ani ni Aleng Julie.

"Ahm, buti nga at marunong akong mabuti eh," sabi ko.

"Ikaw talagang bata ka, oh siya tapusin na natin ito at baka mapagalitan tayo noon 'pag 'di pa 'to natapos pagbalik niya," sabi niya, pagtutukoy sa pagluluto.

My Own Heartless PrinceWhere stories live. Discover now