KABANATA 19: careful

16 2 0
                                    

☆careful☆

Heart's POV

Hapon na at ito na naman kami nagluluto para sa hapunan. Iba na namang putahe ang niluluto namin, light dish lahat maliban sa chicken adobo at fried chicken para sa mahal na prinsipe. Nalaman ko kay Manang Mina na mas gusto niya iyong karne ng manok kaysa sa karne ng baboy.

"Tawagin niyo na sila," dali-dali na namang umalis ang dalawang kasamabahay na parang sila yung naka-assigned para tawagin ang dalawang magkapatid at si Manang Mina.

Nagsibabaan na sila. Mukang okay na naman ang Jade.

"Sumabay na kayong lahat rito,"  si Manang Mina.

"Lola Manang?" sita ng Jade.

"Jade iho," ani ni Manang Mina pero ang Jade ay umiiling pa, nangangahulugan na ayaw niya talaga. "Okay kumain na rin kayo mamaya, salamat," saad ni Manang Mina nang mapansing wala pa din siyang magagawa.

Oo, pagkatapos nilang kumain ay kailangan pa namin ligpitin ang pinagkainan nila bago pa kami kumaing lahat na mga kasambahay. Ang guard naman ay minsan sasama siya sa amin, minsan naman ay pinapadalhan na lang doon.

Nang matapos na sila ay sumunod naman kami. Ang Vivian sumabay nga pero wala namang paki, as if may pakialam din ako! Porbida! Irap nang irap, kala mo kung sinong maganda.

Nang matapos na kaming kumain at nagsibalikan na kami sa mga kwarto ang dalawang naka-assigned na sina Ally at Mara ang naghugas ng mga pinagkainan.

***

Nang makalipas na dalawang araw ay wala namang iba na nangyari, ganoon pa din tamang trabaho lang okay na. Kahit ang isang amo ko ay gusto na talaga akong umalis dito sa mansyon nila well, hindi muna ngayon. Hindi ko muna siya pagbibigyan, magtiis siya gaya ng pagtitimpi ko ng inis sa kaniya.

(JUNE 6, 2022)

"Good morning Marianella Ivy Heart!" bati ko sa sarili.

Nagchat din ako kila mama, binabati ko lang naman sila. Nagsimula na akong magligpit ng pinaghigaan ko. Ang tagal ko nakatulog kagabi, matapos ang kalahating video chat namin nila mama at Yen ay hindi agad ako nakatulog kaya naman nanood na lang ako ng teleserye online.

Buti naman at malakas ang signal ng wifi nila. May dalawang wifi dito sa ibaba, tapos may dalawa ding wifi sa itaas at ang sa third floor Ewan ko hindi naman kami pwedeng pumasok doon ng hindi inuutusan at may naka-assigned na janitor para maglinis sa mga kwartong nandoon. Pero ang sa itaas ay may mga password, ang sa ibaba naman ay wala pero hindi ka pwedeng wifi nang wifi dito baka mapaghalataan ka at i-kick out sa mansyon.

Nang makapagbihis na ay lumabas na ako.

"Good morning Gie," bati ko nang makasalubong ko si Gia.

"Good morning ate Heart, ready ka na ba?" aniya pa.

Taka ko siyang tiningnan, "bakit? Anong meron?"

"June 6 ngayon at birthday ni Manang Mina at dahil doon, kahit hindi naman siya ang may-ari ng mansyon pero may pa swimming party siya. Request kasi ito ni Ma'am Jadelyn, mama nila sir. Kaya tayo ay magiging busy na naman," sunod-sunod niyang sabi.

Tumango ako bilang tugon, "okay lang iyan, marami bang bisita?"

"Hindi ko alam eh, siguro?" tugon niya.

"So, ano naman ang una nating gagawin? Magmarites muna haha," ani ko pa.

Bahagya naman siyang napatawa, "hindi, tara puntahan na natin si Manang Mina. Babati lang tayo," pag-aya niya sa akin.

My Own Heartless PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon