KABANATA 3: THREE HUNDRED THOUSAND

31 4 4
                                    

★three hundred thousand★

HEART'S POV

"You'll pay for what you did!" sabi niya. Puno ng galit ang mga tingin niya, kung nakakamatay lang mga tingin niya. Matagal na siyang natamaan nito. Eh?! Ayaw ko pang mamatay. Siya din naman ang tumitingin ng ganiyan edi siya din ang matatarget.

"You'll pay for what you did!" panggagaya ko sa line niya pero mas maganda ang version ng sa akin kasi nakapikit ako habang sinasabi ang linyahan niya. "I don't care! You!!! Don't you ever dare touch your dirty hands to my sister. If not... I'll break you into pieces!" sabi ko at umalis na, sumunod naman si Merien.

Malayo-layo na kami doon sa puwesto ng demonyito na 'yon! Kala lang niya ah?

"Ate, 'di mo din dapat iyon ginawa." Sabi niya.

"Ano?! Pinagtatanggol lang naman kita ah?! Tingnan mo nga iyong pisngi mo, ano sa tingin mo ang gagawin ko?! Ang pabayaan kang apihin at saktan ng demonyito na 'yon?! Yen, kaya ko magtiis. Kaya kong masaktan ng ibang tao, pero ang 'di ko kakayanin ay ang tingnan lang ang mg taong mahalaga sa akin na inaagrabyado ng ibang tao. Ano sa tingin mo ang gagawin ko?! Ang lumuhod doon?! Eh buti nga sa kaniya at natapunan mo ang damit niya. Kala niya kung sino!" Inis na sabi ko.

"'Di naman sa ganoon ate, oo na. Pero, 'di naman sa lahat ng oras kami na lang iisipin mo. Dapat isipin mo din sarili mo. Ngayon at ginawa mo iyon. Babantayan at babalikan tayo noon." Sabi niya.

"Bumalik sila kung bumalik. Eh ano naman sa ngayon? Ako ang makakalaban nila 'pag ginalaw ka pa nila. Yen, may asthma ka. At ang nangyari kanina maari pang lumala 'pag 'di kita tinulungan." Sabi ko sabay pout.

"Hmm? Sige na nga, 'di na kita sesermunan kasi pag nalaman ito ni Mama sigurado akong sesermunan ka na naman noon. Alam mo naman na ang pinakaayaw noon ay ang makipag-away, lalo na at lalaki ang kinalaban mo." Sabi niya. Oo nga no?! Walang nakakalagpas na balita kay Mama basta kaming mga mahal niya sa buhay ang usapin sa balita.

Siguradong malalaman niya ito hindi man sa ngayon pero balang araw malalaman din niya. Bahala na nga.

"Oo na. Hmmp, wala man lang thank you?! Baka, nasuntok ka ng demonyito na 'yon." Sabi ko.

"Thank you. Pero I don't think so. Mahiya naman siya pagsinuntok niya ako na isang babae." Sabi niya.

"Sige na nga, dali na. Pupunta na tayo sa pang-fourth year na building." sabi ko.

"Sige, maganda ba roon?" Tanong niya.

"Oo siguro. 'Di pa naman ako nakapasok doon eh. Nahihiya kasi ako umakyat diyan. Pero ngayong fourth year college student na rin ako, wala ng hiya-hiya pa. Hehe." Sabi ko.

Ngumiti siya. "Hehe, oo nga. Tara, ako 'di ako mahihiya. Kasi ate ko fourth year na naman." sabi niya na ikinangiti ko.

"Hearty!!!" Tawag ng kung sino. Paglingon ko, 'yung dalawa ko pa lang kaibigan.

"Bakit?" Hinihingal pa sila, lalo na si Fetterian.

"Heart, bakit mo ginawa 'yon?!" Tanong ni Lexis na mukha pa lang grabe na ang pag-aalala. Siya ang kaibigan kong matalino. Everytime na umaalis 'yan may dalang libro 'yan kahit sa birthday pa.

My Own Heartless PrinceWhere stories live. Discover now