Prologue (SPG)

18.2K 172 14
                                    

A/N: This story is a work of fiction. What you read in this story is just a product of the author's imagination. Don't take it seriously. Remember, it contains matured content. Read at your own risks.

------------------

Nauna na akong umakyat sa kwarto. While scrolling through my phone, my mom just called.

"Yes, Ma?" panimula ko habang nakahiga.

"Ano ginagawa niyo ngayon? Did you celebrate?"

Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Celebrate what?" naguguluhan kong tanong.

Sa pagkakaalam ko, wala namang dapat i-celebrate.

"It's your husband's birthday!" My Mom exclaimed. She couldn't believe that I didn't know that it's Xenon's birthday.

"Xenon's birthday?"

"Nako naman Oceana. Asawa ka tapos hindi mo alam? That is one of the most important events in your husband's life tapos hindi mo alam? Makakat-"

"Ma, ibababa ko muna. May gagawin lang ako."

"Oceana, sandali! Huw-"

Hindi ko na pinatapos si Mama at inunahan ko na siya. I don't want to hear her sermons.

Malay ko ba na birthday pala ni Xenon. Ni hindi man lang niya sinabi.

Pero may parte pa rin sa akin na nakokonsensya.

Ibinaba ko ang phone ko at humiga sa kama. I was just looking at the peach ceiling. I tried to close my eyes and forced my self to sleep even if I still didn't take a bath but I couldn't.

My conscience is eating me.

At some point, I am still Xenon's wife.

Ginulo ko ang aking buhok at nagpabaling-baling sa kama. Tinabunan ko pa ang aking ulo ng unan pero hindi. May bumabagabag pa rin sa akin.

Bumangon ako at umupo sa kama.

I sighed deeply. "Maybe I should buy him a cake? Or just greet him... Or should we celebrate it tomorrow?"

Ginulo ko na naman ang buhok ko. "Ah bahala na!" pinal na sabi ko at bumaba na sa kama.

I decided to see Xenon.

Bumaba ako para tingnan kung nasa kusina pa ba siya pero wala na. Kaya napagdesisyunan ko nalang na puntahan siya sa kanyang office dito sa kanyang bahay pero wala rin siya.

Lastly, I decided to go to his room.

Kinatok ko ito ng dalawang beses pero walang sumagot. I tried one last time pero wala talaga kaya sinubukan kong pumasok. Buti nalang hindi naka-lock.

"Xenon." I called.

Hindi ko alam kung pagtawag ba 'yon o ano.

Tiningnan ko siya sa buong kwarto pero wala. Binuksan ko ang kanyang walk-in closet pero wala siya. Sobrang laki naman talaga nitong kwarto niya
Lahat ng mga pintuan ay binuksan ko na.

Isa nalang ang hindi.

Dahan-dahan ko itong binuksan at pumasok na ako doon. Nagulat ako nang makita ko ang kabuoan ng pintong pinasukan ko.

Medyo madilim ang dulong bahagi nito. Nang makita kong madilim, dali-dali akong tumalikod para lumabas dahil takot ako sa dilim.

Akmang hahawakan ko na ang doorknob pero nagulat ako nang bigla bumukas ang ilaw.

Nang tingnan ko ito, doon ko lang napagtanto na i-it was a bathroom... at lulan nito si... Attorney...

Naliligo? Naliligo nga!

HOT SERIES #2: Waves of Pleasure Where stories live. Discover now