Chapter 1

3.5K 40 4
                                    

Yahcinth

Inabutan ako ng tubig ni Donna at naupo sa tabi ko habang marahang hinahaplos ang aking likuran. Bakas sa mukha nito ang pag aalala para sa akin.

Kararating lang namin dito sa inuupahan kong bahay matapos naming magtungo sa building kung saan naroroon ang opisina ni Franzen. Hindi pa nga sana ako aalis doon kung hindi lang ako pinilit ng kaibigan ko.

Donna is the closest friend that I have. Dahil magkalapit lang ang bahay namin ay nakagaanang loob ko ito nang magsimula akong umupa rito.

Madaldal ito at sadyang palakaibigan. Ito ang unang nakipaglapit sa akin hanggang sa naging magkaibigan na nga kami.

My hand is trembling when I started to drink from the glass of water that she gave me. Kinalahati ko iyon at huminga ng malalim. Inabot nito ang baso at ito na mismo ang nagpatong sa lameseta nang mapansin ang panginginig ko.

Pinunasan ko ang aking pisngi nang muling dumaloy ang luha roon nang maalala ko ang nangyari kanina.

Lakas loob na nagtungo ako roon kasama si Donna pero ako lang ang pumasok sa pinaka opisina ng binata habang ito ay naghintay na lang sa labas. To give us space and privacy.

I tried to talk to Franzen dahil mahigit isang buwan na magmula nang mag iba ang trato nito sa akin. He seems so cold and distant. He keeps on ignoring my messages and calls too.

Sinubukan kong kausapin sya pero dahil sa busy ito sa trabaho at fully sched pa ay nahirapan akong gawin. Dati naman ay nagagawa pa nitong maglaan ng oras at panahon para sa akin kahit pa gaano ito kaabala pero sa di ko malamang dahilan ay biglang nag iba iyon.

I want to clear things out between us. Kaya naglakas loob na 'kong pumunta nang hindi nya nalalaman kahit na pinigilan pa ako ng sekretarya nyang makapasok dahil ayokong patagalin pa ang ganitong sitwasyon namin.

I was sure he wasn't expecting me to be in his office dahil pansin ko ang bahagyang pagkagulat nito nang makita ako. Hindi rin naman iyon nagtagal dahil biglang natabunan iyon ng ibang emosyon.

Halata ko sa mukha nito na ayaw nya akong naroroon. Doon palang ay nakumpirma ko na hindi nya talaga ako gustong makaharap o makita. Ramdam ko na hindi na ako welcome sa lugar na 'yon at sa mismong harapan ng binata. Kaya hindi ko na pinatagal pa.

When I finally got the chance to talk to him, I immediately asked him all the questions running inside my head that keeps me awake at night for more than a month.

Like what's wrong with us? What made him treat me like this? Why he's avoiding and ignoring me all of a sudden?

Lots of whys...

But he only answered me that he got tired and he came to realized that he's starting to lose interest on me...as simple as that!

Wala ng paligoy-ligoy pa...

And that..really..surprised me!

Kailan pa naging ganoon? Kailan nya pa naramdaman?

What he said were too hard for me to swallow...

But why now?

Bakit ngayon lang nito napagtanto kung sakali?

He proposed to me just a couple of months ago and without any doubt, I said yes! Pumayag ako kahit na ba mahigit isang taon palang kaming magka relasyon. Ganoon ako kasigurado sa kanya. I was even excited to start my life and build a family with him. Nararamdaman kong ganoon din naman sya.

Tapos ngayon ay sasabihin nya na pagod na sya, na nawalan na sya ng gana o interest sa akin bigla. Kaya ba todo iwas na sya sa'kin?

That was a lame excuse!

Never Let Go (Completed) Where stories live. Discover now