Prologue

4.2K 46 1
                                    

Gloomy weather...

The ray of sunlight isn't visible. Dark clouds are starting to get heavier as they slowly move from the sky.

Tila ba nagbabadya iyon ng malakas na pag ulan. Ano mang sandali ay handang bumuhos...

Umihip ang hangin at ang dampi sa balat ay kaylamig. Naiyakap ko ang mga braso sa aking katawan na halos takasan na ng lakas. Parang nakiki sama pa ang lagay ng masamang panahon sa nararamdaman ko ngayon.

Noong nakaraan lang ay walang mapaglagyan ang kaligayahan na nadarama ko. I was full of life and hope to have a new beginning with him pero katulad ng isang bula ay biglang naglaho iyon.

Sa isang kisapmata ay nagbago ang lahat. Parang isang magandang panaginip at bigla na lang akong nagising.

His sweetness turned into bitter sweet one, in an instant!

I've been good, that's all I know.

But it didn't turn out like that to him.

Suddenly, he became distant to me and I know he's mad.

Bakit kailangan nyang gawin sa'kin 'to?

I don't even deserve this...

Akala ko happy ending na pero hindi pa pala. Ngayon pa lang pala magsi simula ang totoong kwento...ng buhay ko.

Ngunit mukhang sa bagong yugto ng buhay kong ito ay mag isa na lang ako. He wouldn't be included in the next chapters of my life.

Mag isa kong haharapin ngayon ang lahat ng pagsubok at hamon ng buhay nang wala sya sa tabi ko. Walang sya na aalalay o gagabay. Nakaka panibago iyon para sa akin na nasanay nang lagi syang nand'yan.

Masakit at mahirap mang isipin ay siguro iyon talaga ang nakatadhanang mangyari.

Ang magkahiwalay kami ng landas.

Another drop of tears fell from my tired and swollen eyes. Bakit ba hindi iyon maubos-ubos?

"Tahan na...hwag ka na umiyak. Kanina ka pa iyak nang iyak, eh. Makakasama na sa'yo 'yan", nag aalalang sabi sa akin ng kaibigan kong si Donna habang hinahaplos nya ang likuran ko. Mabuti na lang at nandito sya para i-comfort ako.

Nanginig ang labi ko at napayuko. My throat is aching. Kahit anong pilit ko ay hindi maampat-ampat ang pagtulo ng luha ko.

My heart is so heavy!

I can feel mixed emotions inside me.

Confusion. Sadness. Pain. Fear. Worriness. Anger and...Longing.

Nagmakaawa ako sa kanya pero hindi nya 'ko pinakinggan. Like he didn't care about me anymore. Ni ayaw nya 'kong tapunan ng tingin na para bang hindi kami magkakilala. I tried to explain myself to him pero hindi nya 'ko pinakinggan. Kahit anong gawin ko...

Pinagtabuyan nya lang ako.

It was so easy for him to abandoned me like a piece of trash.

Bakit kailangan nya 'kong saktan ng ganito?

Bakit sa dami ng taong pwedeng makapanakit sa akin..bakit sya pa?

Bakit?!

Ni sa hinagap ay hindi ko inisip na kaya nya akong saktan. Hindi man sa pisikal but it has a big impact on my my emotion!

The way he treated me coldly, it hurts me big time! It affects me even more when he started to ignore me.

He's my everything. I only have him. Pinagkatiwala ko sa kanya ang buong buhay ko because he's my safe haven.

When he came to my life...sya ang laging nakabantay at naka protekta sa akin. He never let anyone to hurt me...again. He'll definitely go mad if someone even dare to touch me.

He always made sure that I'm safe and feel secured.

But I never knew that the one who's protecting me could hurt me like this. Mas masakit pala kapag sya na ang dahilan ng pagluha ko.

Sinubukan ko syang habulin nang malaman kong ngayon ang flight nya paalis ng bansa. Hindi ko alam na aalis sya. Ni hindi ko nga alam kung saang bansa ang tungo nito. Wala man lang itong pasabi.

Tila nagmamadaling makaalis para lang makalayo na agad sa akin.

Where his promise of love to me?

He didn't even bother to call to say goodbye or to see me for the last time.

Hindi na ba ako mahalaga sa kanya?

Basta umalis na lang sya. Leaving me here all alone...by myself.

Kung kailan kailangan na kailangan ko sya...ngayon pa nya 'ko iniwan.

Don't I deserve a second chance?

Hindi na ba nya 'ko mapag bibigyan? Kahit alam kong wala naman akong ginawang mali.

Sa nanlalabong mga mata na hilam sa luha ay tumingala ako sa may kadiliman na kalangitan, kung saan unti-unting binabalot ng makapal na ulap ang sinasakyan nitong eroplano.

Paliit nang paliit iyon sa aking paningin katulad ng tsansa kung magkikita pa ba ulit kami. Babalik pa kaya sya?

Babalikan pa ba nya 'ko...?

I caress my flat stomach where my little angel is starting to grow. Dito ako humuhugot ng lakas ngayon para magpatuloy sa buhay.

Pipilitin kong magpakatatag para sa dinadala ko kahit na ba iniwan na ako ng lalaking pinakamamahal ko...and the only man who broke my heart into pieces.

Franzen...

I whispered kasabay ng pagpatak ng ulan.

*SilentPage18

Never Let Go (Completed) Where stories live. Discover now