Chapter 15

2.3K 27 10
                                    

Yahcinth

Kinabukasan ay hindi ako pumasok sa work. Sa part time at sa coffee shop. Tumawag na lang ako para ipaalam.

Gusto ko kasing maglaan ng oras sa anak ko. Nang hindi ito matigil sa pag iyak kagabi ay parang dinudurog ang puso ko sa awa rito.

Kaya naman napagdesisyunan kong i-pasyal na lang sya buong maghapon para naman malibang.

Pumunta kami sa park ng maaga para makapaglaro ulit ito at nang magutom ay sa isang fast food chain na lang kami kumain para sa umagahan dahil hindi na ako nakapagdala ng baon namin. Actually...brunch na nga dahil malapit na ring magtanghalian.

Habang kumakain kami ay pansin ko na panay ang tingin ng anak ko sa kalapit na mesa. Nang tingnan ko ay may isang pamilya na nakapwesto roon. Masayang kumakain.

Dalawa ang anak ng mag asawa na parehong ina-assist ng mga ito sa pagkain. Binalik ko ang pansin sa anak ko. Malungkot ito pero may nababanaag akong ngiti sa labi.

Maaaring masaya itong makakita ng ibang bata kasama ang parehong magulang. Pero alam ko na nais din nitong makasama ang Daddy nya. Ni picture nga ay hindi ko magawang i-pakita rito. She didn't even look for it too. Basta ang alam nya ay nasa malayo lang iyon at nagtatrabaho. Not knowing na nasa malapit lang...at nakita na nito.

Hindi ko naiwasan ang pag init ng sulok ng aking mga mata.

I blink my eyes. Pasimpleng pinunasan ko ang namuong luha sa akin. Tumikhim ako. Kinuha ko ang baso ng tubig at ininom kahit na nananakit ang aking lalamunan.

"A-Anak, Francine...", kuha ko sa atensyon ng anak ko. Inilapit ko rito ang plato na may kanin at piraso ng manok. "Ubusin mo na 'yan para makapasyal pa tayo", she glance at her food then back to that family. Saglit pa nitong pinanood ang mga 'yon bago binalik ang pansin sa pagkain.

She didn't ask me anything. Kung bakit ang mga bata sa kabilang mesa ay kumpleto tapos kami ay dadalawa lang? Hindi nito hinanap ang Daddy nya katulad kagabi. She just continue eating.

I sighed.

Dumaan kami sa isang palaruan pagkatapos. I let her play using those tokens that I bought at the teller.

Sinundan-sundan ko lang sya kung ano ang gusto nyang sakyan o laruin.

Nang matapos sa claw machine ay lumipat ito sa kabila. Sinakyan naman nito ang isang cute na pony. Inalalayan ko ito sa pag upo. Naghulog ako ng token ayon sa nakalagay doon. Hanggang sa marahang gumalaw iyon.

Sinabihan ko itong humawak sa naroong handle sa magkabilang gilid ng pony. I get my phone and took a picture of her. Hindi ko muna pinagkaabalahang basahin ang mga bagong messages na naka registered doon and even missed calls. Sa iisang tao lang naman galing iyon. I continue to take pictures of her at minsan ay kasama ako.

I focus my attention to my daughter. Nakabantay lang ako sa kanya hanggang matapos iyon. Naglaro pa ito hanggang sa naubos ang nabili kong token. Nang mapagod ay nagtungo kami sa isang Ice cream parlor.

I let her choose what flavor she wants. Then we sat on the table near the counter. Francine is having a cup of Chocolate Devotion while I'm having Cheesecake Fantasy.

Medyo pricey pero dahil ito ang nagustuhan ng anak ko ay okay lang. Basta ba napasaya ko sya. Iyon ang mahalaga.

Habang busy sa pagkain ng Ice Cream ang anak ko ay binasa ko ang mga text messages sa phone ko. All from Franzen. Asking kung nasaan ako? Anong ginagawa? Kinumusta rin nito ang bata.

Yung ibang messages ay umulit na lang dahil siguro hindi ako agad sumasagot. He resend those.

Nag reply lang ako na nasa mall kami ng anak ko. Wala pang ilang segundo ay may reply na agad ito. Malamang na kanina pa ito naghihintay ng message galing sa akin. Tinanong nya ang lugar at sinabi nyang pupuntahan kami pero hindi ako pumayag. Sinabi kong para sa amin lang ng anak ko ang gala namin. Mother and daughter bonding. I may sound selfish pero gusto kong kami lang ng anak ko at isa pa, galit pa rin ako.

Never Let Go (Completed) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt