Chapter 13: Her Secret Boyfriend

9 1 0
                                    

Sa wakas, nagkasama na kami ni Cielo sa duty makalipas ang ilang araw. 10 AM ang niya ni Cielo at ako naman ay 7 AM. Bali magkakasabay kami pagdating ng rush hour sa 10 to 2. Makakasabay ko siyang kumain mamaya.

Maaga pa lang ay nasa restaurant na ako. Kasabay ko si Darryl, Clara, Emery at Samantha. Pagpasok ko, may mga babae na gaya ng inaasahan ko. Narinig ko silang nagkukwentuhan. Boses ni Darryl ang naririnig ko. Nagpatay malisya lang ako.

"May boyfriend si Cielo." Nabigla ako sa sinabi ni Darryl.

"Talaga?" Tanong ni Clara.

Gusto kong tumigil sa paglalakad papuntang dressing room. "Andyan ka na pala." Puna ni Emery. Sinundan niya ako sa dressing room. Pumasok ako at siya. Niyakap niya agad ako. "Emery, baka biglang dumating si Alfred." Bulong ko. Nakayakap parin siya sa'kin. Ayoko naman siya pwersahin dahil babae siya. Pero tinutulak ko siya.

"Busy sa likod 'yun." Bulong niya.

"Sila Darryl, baka pumasok." Sabi ko uli.

"Andoon sila sa labas. May costumer na dumating." Pinasok niya ang kamay niya sa t-shirt ko at hinimas ang dibdib ko. Ngunitian niya ako. Sa totoo lang, maganda si Emery at maraming manliligaw na costumer pero may boyfriend na siya at ayokong babae ang lumalapit sa'kin. Aminado ako na nilalandi ko ang babaing matipuhan ko kaya kahit may boyfriend o asawa sila ay pumapatol sa'kin.

Pero itong si Emery ay ayoko talaga. Hindi ako makaramdam ng libog dahil iniisip ko si Alfred. Nung una nahihiya pa siya pero ngayon, malakas na ang loob niya na landiin ako.

"Walang time si Alfred sa'kin." Sabi niya.

"Pero mahal ka niya."

Nakikita kong mahal ni Alfred si Emery dahil inaasikaso nito si Emery kapag kakain na sila. At hinahatid sundo pa minsan.

Hinalikan niya ako sa leeg at nang makarinig kami ng naglalakad ay agad niya akong hinalikan sa labi. Pinasok niya ang dila niya sa bibig ko, nilaro laro sa loob ang dila niya, sanay na sanay siyang humalik at bumitaw siya agad. Grabe siya kasabik sa'kin. Hindi ko alam kung sinasabi niyang tigang siya o talagang may gusto lang siya sa'kin.

Lumabas siya ng kwarto.

"Anong ginawa mo?" Narinig ko si Alfred. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Maigi na lang talaga lumabas na agad siya.

Naalala ko si Darryl. Ang sinabi niyang may boyfriend daw si Cielo. Dapat maging maligaya ako dahil wala na akong pananagutan. Katawan lang dapat ang habol ko kay Cielo pero nasaktan ako. Imposibleng ako ang tinutukoy ni Darryl dahil dapat nagtanong na sila sa'kin. Kaya pala ayaw ni Cielo na maging boyfriend ko dahil may minamahal siyang iba. Kukumprontahin ko siya mamaya. Bakit niya nagawang magpagalaw sa'kin sa kabila nang may boyfriend pala siya?

Naalala ko ang ibang katauhan ni Cielo. Sana tamang hinala lang ako na may ibang katauhan siya. Naalala ko din na ang mga babae ay pumapatol din sa iba kapag gwapo ang lalaki. Sumakit ang ulo ko sa naisip ko. Alam ko naman na hindi kasama si Cielo sa mga babaing natutukso sa iba pero grabe ako mag overthink. Isa pa sa mga naalala ko ay gusto niya akong pauwiin nung nakaraan. Siguro dahil ayaw niyang makita ako ng boyfriend niya. Ayokong magtanong kay Darryl, gusto ko 'yung dapat topic namin ito.

Lumabas ako sa dine in area para mag-asikaso sa mga lamesa. Hindi na nila pinag-uusapan ang tungkol kay Cielo. Hindi ko tuloy alam kung ano ang masasabi ni Emery tungkol doon at ayoko naman na isipin nilang nagseselos ako dahil nakakahiyang malaman nila ito dahil mapapahiya ako kung sakaling totoo. Nilalandi ko kasi si Cielo. Kunyari na lang, baliwala sa'kin if ever malaman nila na malaman ko.

Nakita ko si Norman, 'yung dish washer namin dumating na. Binati niya ako. "Pre, andito ka na pala. Salamat kahapon a." Sabi niya.

Tinulungan ko kasi siyang maghugas ng isang tambak na plato. "Wala 'yun, tol basta wala akong ginagawa."

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Oct 26, 2022 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Fatal EmotionOnde as histórias ganham vida. Descobre agora