Chapter 1: My Imaginations

29 1 0
                                    

"Paki samahan ng konting bilis. Maraming bumibili." Dinig kong sabi ni Emery. Kaya natataranta na kami.

"Ano po order niyo, Ma'am?" Tanong ko sa bumibili.

Sumagot ang bumibili. "Fried chicken tatlo, tatlong rice at tatlong medium drinks."

"Dine in or take out?" Tanong ko uli.

"Hindi na siguro ako bibili ng rice kung take-out. Paki bilisan po, nagugutom na ang mga kasama ko." Tapos kapag hindi ako nagtanong, take out pala. Mga costumer minsan pasaway e. Marami naman na magtatake-out ng kanin.

"Ah sige po, paki hintay na lang sa.." Sumilip ako sa dine in area. "Sa table 11 po." Nakita ko kasing bakante na ang lamesa na iyon. "Waiter, paki linisan naman 'yung 11."

Agad akong kumuha ng pritong Manok sa malaking warmer. Hinanda ko ang tatlong plato para sa tatlong pritong manok. At dali dali na nagsandok ng kanin. Nang matapos na ay nilagyan ko ng number 11 'yung tray na pinaglalagyan ng mga pagkain. Kinuha na ito ng Waiter at dinala doon.

Nagtatrabaho ako sa isang malaking restaurant dito sa Cavite. Tumigil na ako ng pag-aaral dahil kailangan ng nanay ko ng pera sa probinsya. Pagkatapos ko ng Grade 10 ay nakipag sapalaran na agad ako dito para magtrabaho. Mabuti na lang ay mga bata ang tinatanggap dito. Puro lang kami mga teenager maliban sa mga cook.

Matapos ang ilang sandali ay naubos na din ang tao kaya medyo nakahinga ako. Umupo ako saglit sa loob. May mga upuan kasi dito at may tubig at electric fan. Dito dumadaan ang mga cook namin kapag magdadala ng pagkain at ilalagay sa malaking Warmer.

"Cielo, mamaya ka na umupo diyan." Sabi sa'kin ni Emery nang sumilip. Agad akong tumayo at inasikaso ang iilan na costumers.

Breaktime. Kasama ko si Darryl. Siya lang ang tanging Crew dito na gusto kong kausap kaya napili kong sumabay sa kaniya sa tuwing kakain ng tanghalian.

"Grabe si Ate Emery, para umupo lang saglit, akala mo naman tamad na." Sabi niya sa'kin habang kumakain. Hindi ako nangangatwiran pagdating kay Emery. Bahala siyang mag-isip.

"Hayaan mo siya." Sagot ko lang.

"Dapat kasi tinitignan din niya 'yung mga masisipag. 'Yung mga Crew na kaclose niya hindi naman niya sinisita."

Tahimik lang ako. Hindi talaga ako pala-kwento o ano. Ito kasing si Darryl madaldal minsan pero gusto ko ang pagkamadaldal niya. Maka-Diyos siya kaya siguro sa lahat ng kasama kong Crew ay siya lang ang hindi pumupuna sa'kin o nagsasalita ng talikuran.

Matapos ang break time ay nagpunas punas kami ng paligid. Wala na kasi gaanong tao kapag alas tres na ng hapon. Biglang dumating ang may-ari ng Resturant. "Ma'am, magandang araw po." Bati namin kay Ma'am Olga.

Napansin namin na pumunta siya sa Cashier at umupo. Ganito siya lagi kapag hapon. Tinitignan ang paligid. Noon panay ang sermon pero ngayon hindi na dahil malinis na ang paligid sa tuwing dadating siya. "Bakit ang liit ng benta?" Tanong niya habang sinisilip ang Cash box.

Grabe, hindi na nga kami magkandaugaga kanina tapos maliit pa pala ang benta. Minsan si Ma'am komidyante talaga. Tapos halata naman na hindi mainit ang ulo kaya hindi na dapat pinapansin 'yan.

Nagtanong uli siya. "Dumating ba 'yung truck? Bakit walang resibo dito?"

"Ma'am, walang dumating na deliver." Sabi ni Brenda. 'Yung cashier namin.

"Sabi nila magdedeliver sila. Anong petsa na?! Ang mahal mahal ng bilihin sa Grocery Store. Sa susunod sa iba na ako oorder mga bwisit sila!"

Kaya lagi naming pinagdadasal na umalis na siya dahil puro kasungitan lang ang maririnig namin. Tapos ang mga Crew naman na sipsip, nakikipagtawanan pa minsan kay Ma'am pero gusto naman nila laging wala si Ma'am.

Fatal EmotionWhere stories live. Discover now