Chapter 7: Backstab

13 1 0
                                    

Halata sa paligid ng kwartong ito na walang taga-ligpit pero malinis siyang tignan kahit may nakakalat. Ibig sabihin, araw araw nililinis. Okay din ang trip ni Ma'am Olga, ginawang kwarto niya ang opisina.

"Siya ba ang mag-aapply?" Tanong ni Ma'am Olga habang nakahiga pa sa kama. Sinubukan niyang bumangon at umupo sa lamesa. "Halika dito Iho." Kaya lumapit ako sa kaniya.

Nagsalita na si Emery. "Iwan ko na po kayo."

"Sige," sabi ni Ma'am Olga. "Emery, saglit!" Kaya bumalik siya.

"Bakit po Ma'am?" Sumulip siya sa pinto.

"Paki sabi sa mga babae, nakita ko kanina 'yung ilalim ng lamesa malapit sa Dish Washer, hindi nalalampaso, at 'yung ilalim ng case ng mga softdrinks, hindi niyo na din nililinis. Sabihin a, bago sila magsara mamaya!"

"Yes, Ma'am." Umalis na si Emery.

Tumingin sa'kin si Ma'am. "Alam mo ba noong ako'y namamasukan, tuwang tuwa ang amo ko sa'kin. Sweldo ko lang sampung piso pero hindi na ako kailangang utusan pa. Taga saan ka ba toy?"

Toy? "Taga Mabolo po." Totoy amputa.

"Doon ka sa maraming loko?"

"Hindi po. Mabait po ako."

"Malapit ka lang pala dito. Bakit dito mo nagustuhan mag-apply?"

"Kasi po, malapit lang." Hindi ko alam kung tama ba ang sagot ko. Sagot yata ng tamad 'to.

"Oo tama ka. Kesa mag-apply ka sa mga pabrika o Mall, gagastos ka pa ng pamasahe. Kaya nga kapag may nag-apply dito na galing pa sa malayo, hindi ko tinatanggap e."

Ang galing ko pala. "Ah, tama po kayo. At nakita ko po kasi 'tong lugar, mukhang masaya dito."

Biglang may kumatok. "Pasok." Sagot ni Ma'am kaya may pumasok na tao.

"Ma'am!" Nakita ko ang isang lalake na naka-uniporme pa. Mukhang empleyado ito dito.

"Richard, bakit na naman? Akala ko nakauwi ka na?"

Nakita kong tumingin sa'kin si Norman kaya napangiti. "Nag-aapply ka tol?"

"Oo." Sagot ko.

"Ano sa tingin mo, Richard? Tatanggapin ko ba?" Tanong ni Ma'am. Mukhang close silang mag-amo.

"Tanggapin niyo, Ma'am. Itsurang masipag." Grabe mambola ito. Pero gusto ko ang ugali niya.

"Mukhang chikboy 'to. Maagawan ka sa chiks." Grabe si Ma'am. Nakakahiya naman.

"Huwag na pala." Sabay bawi ni Norman.

Nakita kong malakas ang tawa ni Ma'am. Mukhang madali lang pangitiin 'to si Ma'am. Sa una lang akala mong masungit. Hindi pala totoo ang balita na masama ang ugali ng may ari ng restaurant na 'to. Matapang lang magsalita dahil sa mga empleyado.

"Leche ka, bakit ba nandito ka?" Sabi uli ni Ma'am.

"Yung mga nilagay niyong mga karne sa maliit na freezer, nilipat ko sa malaki. Hindi kasi kasya 'yung naka-marinade na karne, baka matapon."

"Hindi mo ba magawan ng paraan? Baka maghanap na naman kami ni Joey bukas."

"Kaya ko nga po sinabi para hindi na kayo ulit magalit bukas ng umaga."

"Bahala ka."

"Sige po, uwi na ako Ma'am."

Umiling lang si Ma'am tapos tumingin na sa'kin. "Cook ko 'yan si Richard, magaling magluto 'yan. Pasaway lang talaga minsan. Pero walang wala sa'kin 'yan noong akoy namasukan. Iba na ang kabataan ngayon. Palibhasa, maraming nauso na bisyo."

Fatal EmotionWhere stories live. Discover now