Chapter 9: Evil Protector

11 1 0
                                    

Ilang araw pa ang lumipas, napapansin kong hindi katulad si Levi ng inaasahan ko pero mukhang may ugali siyang masama. Minsan nahuhuli kong hinahawakan niya ang pwet ni Sandra. Patay malisya lang naman si Sandra dahil halata naman na may gusto siya kay Levi. Minsan, hindi ko alam kung sinasadya niya bang banggain ang dede ko. Hinahayaan ko lang siya tutal hanggang ganun lang naman ang magagawa niya dahil alam kong hindi naman kami makakarating sa kama. Kung plano niyang gawin 'yun, hindi ko alam kung ano ang magiging resulta dahil alam kong hindi ako ang tipo niya pero ayokong sabihin na ayaw ko sa kaniya kung usapang kama lang.

Tapos minsan pati si Samantha binobola-bola niya. Naging malapit siya sa mga tao sa kusina kaya siguro hindi niya sinasama si Emery sa mga katarantaduhan niya. Mabait si kuya Alfred sa kaniya at ganun din naman siya. Isang beses nahuli ko siyang nakayakap kay Ate Rose habang naggagayat ng gulay. Nakita ako ni Ate Rose na dumaan.

"Cielo, hiniram ko lang si Levidabs. Pangpatanggal ng pagod." Nagtawanan sila sa sinabi ni Ate Rose kaya tumawa lang din ako. Si Ate Rose kasi talagang hindi nahihiya pagdating kay Levi.

"Okay na ba? Pwede na ba akong umalis?" Tanong ni Levi.

Nagsalita si Kuya Gilbert.. "Hindi pa, yakapin mo ako." Tonong bading. Nagtawanan na naman lahat. Naging kaclose na sila ni Levi hindi kagaya ng ibang Waiter.

Lalo si Richard, lagi silang nagtatawanan ni Levi kapag nag-uusap. At ang isa sa nagustuhan ko kay Levi kapag uuwi siya o ako, hindi niya nalilimutan na magpaalam sa'kin. Close din sila ni Darryl pero hindi niya binabastos si Darryl kaya kapag nakakausap ko si Darryl, sinasabi niya sa'kin na dumidipende daw si Levi sa nakakasalamuha na tao. Pero pagdating sa'kin hindi ko malaman kung ano ba ako sa kaniya? Dahil minsan hindi sinasadyang naglalapit kami dahil sa pagkakataon. Minsan kapag nagwawalis ako, may pupulutin siyang bagay tapos pagtatayo na siya, naglapit na ang mukha namin tapos hihingi siya ng pasensya at tatawa. Kaya lalong inis na inis sa'kin si Emery, hindi lang niya pinapahalata. Kahit kasi landiin niya si Levi, hindi nangyayari 'yung mga nangyayaring inaasahan niya. Gaya ngayon nasa dressing room ako. Nakita ko si Emery na sumunod sa'kin.

"Cielo, kakain ka na ba?" Tanong niya.

"Oo, tatanggalin ko lang 'tong apron ko." Sagot ko.

Maya maya pumasok din si Levi dito sa dressing room. Napansin kong tinanggal ni Emery 'yung botones ng blouse niya kaya lumabas 'yung bra niya at 'yung cleavage. Grabe talaga siya. Mukhang ibang klaseng kalandian na ang gagawin niya.

Napansin siya ni Levi. "Ano nangyari, bakit labas na 'yang dede mo? Isarado mo 'yan, baka may pumasok na tao." Sabi ni Levi.

"Kusang bumukas kasi dumating ka." Sagot ni Emery at ngumiti. Lumabas agad ako. Ayoko silang makitang naglalandian doon. Pero alam kong hindi lalandiin ni Levi si Emery at ang kunyaring pagtatanong sa'kin ni Emery kung kakain na ba ako ay alam kong para lang makapunta siya sa dressing room at tyempuhan na papapasok si Levi dahil oras na din ng kain niya.

Pero nabigla ako dahil nasa likod ko si Levi. Kukuha ako ng plato kaya kukuha din siya. Habang kumukuha ako ng plato humarang siya sa daan. "Pakikuha mo nga ako ng plato?" Utos niya sa'kin. Hindi porke kaclose na niya lahat, ipapamukha niyang inuutusan niya ako.

"Ikaw na." Sagot ko. Pero hindi siya umalis sa kinatatayuan niya kaya hindi ako makadaan.

"Paano ako makakakuha ng plato, nakaharang ka?" Ako pa pala nakaharang.

Sabi ko na nga ba sa umpisa lang siya mabait. Ngayon tumatagal na siya dito, isa na din siya sa magpapahiya sa'kin. Mas malala pa dahil inuutusan niya ako. Hindi ko talaga gagawin ang utos niya kahit magalit pa siya. Malapit nang uminit ang ulo ko. Sasabog na ako dahil sa araw araw na pagpapahiya sa'kin, dadagdagan pa. Tinitigan ko siya ng masama kaya nadismaya siya. At hindi ko inaasahan ang kinilos niya. Pwersahan niyang kinuha ang plato kaya muntik nang magdikit ang mga labi namin sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Naghiyawan ang mga nakakita lalo si Ate Rose. Kadalasan kasi bumibisita sila sa Store kapag wala na sila gaanong gagawin. Kitang kita ko pati si Richrad kinilig sa tagpong iyon.

Fatal EmotionWhere stories live. Discover now