Chapter 2: Respect

22 1 0
                                    

Alas sais ang pasok ko ngayon kaya opening. Pagdating ko ay agad akong naglinis. Hinanda ko lahat ng mga kailangan namin. Pagdating ng seven oclock ay dumating na si Emery. Tinignan niya ang paligid.

"May nakalimutan ako." Sabi niya.

"Ano 'yun?" Tanong naman ni Sandra. Ang kasama ko ngayong pang-umaga.

Sumagot si Emery. "Kailangan na pala ngayong 9AM ang pancit." Agad siyang tumakbo sa kusina para siguro sabihin sa taga-luto.

Maya maya lang lumabas 'yung taga-luto kasama si Emery. "Bakit kasi ngayon mo lang sinabi?" Angal sa kaniya nito.

"Malay ko ba, wala ka na kahapon nung may umorder." Dahilan ni Emery.

"Sana nagchat ka o nagtext."

"Nawala na sa isip ko. Sige na please. Kailangan 'yan ng 9."

Nagpunta si Emery sa store tapos naiwan si Richard na nakasimangot. Nangangamot ng ulo. Nakatingin lang ako sa kaniya. "Kainis talaga itong si Mayora, kakaluto ko lang ng pancit. Malelate na naman ang isda nito."

Napansin niyang nakatingin ako sa kaniya. Sumandal siya sa pader at nginitian ako. Kahit gaano ka-tensyon ang paligid talagang nagagawa niya parin na ngumiti. "Pang umaga ka pala." Sabi niya.

"Oo. Ngayon lang." Napansin niya na nagwawalis ako.

"Tulungan na kita." Akmang kukunin niya ang walis kaya iniwas ko.

"Huwag na. Magluto ka na." Sabi ko. "Baka makita pa tayo ni Ma'am Olga, pagalitan pa tayo."

Mga palabiro kasi ang mga lalaki sa kichen. At tanging sila lang ang nakakausap ko ng maayos nang hindi nagrereklamo kahit galit ang tono ng boses ko. Siguro kasi mga mas may edad sila kesa sa'min. Bumalik na siya sa kusina para magluto.

Maya maya lang ay luto na ang pancit. Dumating si Ma'am Olga. Narinig namin na nagsesermon sa kusina. Ganiyan siya kapag may nakitang hindi niya nagustuhan. Narinig namin si Ma'am na papalapit na sa store. "Dapat ganitong oras meron na kayong naluto na isda. Kahit man lang prito wala pa!"

"Si Emery po kasi, dalawang beses po akong nagluto ng pancit." Katwiran ni Richard.

"Emery!" Tawag ni Ma'am.

"Ma'am, kasi po akala ko narinig nila Cielo 'yun. Akala nasabi na nila kay Richard."

Kami pa sinisi. "Kayo naman kasi, huwag kayong parang walang narinig!" Ayan na kami na binalingan ni Ma'am. "Ikaw Cielo, kapag may mga ganiyan, maki cooperate kayo. Marami nang ginagawa si Emery. Kaya nga mga bata ang gusto ko para hindi makakalimutin tapos kayo, puro kayo parang istatwa lang diyan. Makiramdam kayo! Sayang ang mga costumer na umaalis dahil walang mabili!"

"Ma'am, sorry po. Sa susunod po." Sabi ko lang.

Umalis na siya pero nagsalita pa. "Mga hindi aktibo mga utak niyo. Walang wala kayo sa'kin nung ka-edad niyo ako!"

Nagkatinginan lang kami ni Sandra. "Wala ako kagabi a." Sabi niya.

"Andito ako nun. 6 ang uwi ko. Hindi ko naman kasi pinapakialaman si Emery." Sagot ko.

"Kung ako 'yan, papaalala ko sa kaniya o kaya ako na magtetext kay Richard. Dapat kasi may concern ka din." Ako din ang sinisi ni Sandra. Sayang wala si Darryl dahil siya lang ang kakampi ko.

Minsan ko nang ginawa 'yan pero nagalit si Emery dahil ano ba daw ang tingin ko sa kaniya, katulad ko na lutang. Porke malakas siya kay Ma'am Olga, kami ang lagi niyang sinusumbong. Sa totoo lang, lahat na ginagawa ko kahit hindi ko trabaho pero hindi naman nakikita ni Emery. Tapos si Emery panay ang sabi kay Ma'am sa mga ginawa niya. Kaya siya talaga ang gusto ni Ma'am. At ako, hindi napapansin.

Fatal EmotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon