Chapter 5: Rare Girl

13 1 0
                                    

"Tarantado ka!" Sabi sa'kin ng kasamahan kong lalaki nang pumasok ako sa Bingo Hall. Naka-bag pa ako.

"Bakit?" Patay malisya kong tanong habang naglalakad. Maaga pa. Wala pang gaanong tao sa Hall.

"Kanina, galing dito si Mr. Martinez. Mukhang nag-aaway silang mag-asawa. Tigilan mo na si Ma'am Grace, malaking gulo."

Napatulala ako. "Ano daw pinag-awayan? Nasaan si Ma'am Grace?"

"Umuwi saglit. Babalik dito 'yun. Naghihinala na ang asawa niya sa kaniya. Halata namin. Kaya bago pa mabuking, umiwas ka na. Hindi mo kilala si Mr. Martinez."

Agad akong pumasok sa locker room at napaisip. Ngumiti ako dahil alam kong darating ang panahon na ito. Problema ko lang ang trabaho kapag umalis ako dito. At paano si Grace? Matatanggap niya kayang iiwanan ko na siya? Sawa na din naman ako sa kaniya. Maigi wala akong girlfriend talaga kung hindi, mas malaking gulo ito dahil baka si Grace ang makahalata sa'kin at mag selos pa. Kinakabahan ako pagdating ni Grace.

Paglabas ko ng locker room ay humingi na agad ako ng mga Bingo Card sa Supervisor. Agad kong binenta sa mga suki na nakaupo. Isa pa sa problema 'yung mga single Mom na nakilala ko dito. Pinatulan ko na sana kung hindi lang dahil kay Grace. Selosa kasi siya. At may single Mom akong nakilala na malaki magbigay ng tip. Hindi ko maiwasan. Sayang kung aalis ako sa trabaho. Nakasandal ako sa isang tabi habang nagsisimula na ang unang bola ng Bingo. Hindi ko na nalaman kung sino ang nanalo kakaisip ko. Nakita kong dumating na si Grace. At next, siya na ang magbibigay sa'kin ng Bingo Card para ibenta. Siya na ang umupo doon sa upuan ng Supervisor.

Medyo may kaba. Tinuro siya ng isa kong kasamahan. "Andyan na si Ma'am." Sabi ng kasamahan kong babae.

Siningil ko ang ilang costumer na hindi pa bayad. Napatingin ako kay Grace, busy siya sa ibang empleyado. Mga kumakausap sa kaniya. At maya maya lang ay ere-remit ko na itong mga pera. Bahala na. Pinuntahan ko siya at nag-remit.

"Wala ka bang short?" Tanong niya sa'kin.

"Boxer lang." Sagot ko kaya hinampas niya ako ng notebook. Nagtawanan naman ang ibang nakarinig.

"Yabang mo." Tumingin siya sa'kin na nagpapacute pa. Alam ko sa babae kung nagpapa-cute o hindi. Mukhang ayaw niyang ipakita ang problema o baka tamang hinala lang mga kasamahan ko?

Wala namang problema nang lumipas ang ilang oras. Nakatip ako ng 300.

So, breaktime, sinenyasan ako ni Grace na sumama sa kaniya. Kadalasan naman, kasabay ko siyang kumain, minsan fast food pa kami. Libre niya. Marami naman kami kaya hindi halatang may relasyon kami. O hindi ko lang alam na alam din pala ng ibang Supervisors dahil sinasama nila akong kumain. Hindi naman sila tanga siguro pero kung natural lang sa kanila ito, baka wala nga silang alam.

Sa Fast-food nila napiling kumain. Tatlo kami. Dalawang supervisor na babae ang kasama ko. "Hoy, Levi, nakatip ka kanina no?" Sabi ni Ma'am Lisa. Close friend kasi siya ni Grace kaya talagang close din kami.

"302." Sagot ko.

"Laki a. Pwera pa mamaya."

Nagsalita si Grace. "Sino nagbigay sa'yo?" May halong pagseselos na naman.

"Yung matanda na nanalo kanina ng 3k." Sagot ko.

"Sus, matanda? Kung manamit, labas na ang boobs." Kumento ni Grace.

Napakamot ako ng ulo. Kadalasan kasi doon mga matatanda na. Nasa edad 40 plus. Pero sexy manamit. At 'yung iba naman talagang Lola na. Mga mababait sa'kin. Pinagseselosan ni Grace. Matanda na sila para sa'kin para hindi magselos si Grace kahit mga mukhang bata pa.

Tumawa lang si Ma'am Lisa. "Baka patulan mo 'yun a." Sabi lang niya.

"Di na. May jowa na ako." Sagot ko bilang panunubok. Baka mahalata kong may alam si Ma'am Lisa.

Fatal EmotionWhere stories live. Discover now