Chapter 24: OI PROKLISEIS: Physical Aspect II

1 0 0
                                    

"Today is the day that kuya Diamond will die... Probably.. I don't know! Nakakakaba!" Sabi ng Umbra ni Club na si Faun habang pinipihit paulit ulit ang mga daliri niya at naglalakad ng pabalik-balik sa harapan naming lahat.

Andito kami sa Delestria Court para sa unang challenge kina Diamond at Trickster. I think this was meant to be a meeting place bago pumunta sa mismong lugar kung saan gaganapin ang unang task. Nakaupo kami dito sa mga sofa na matatagpuan dito sa lobby. Kasama ko si Mel, Heart, Club, at ang mga Umbras. Kinuha na ng mga tauhan ng Delestria Court si Diamond para muna na siyang pumunta doon sa venue, Wherever that venue may be.

"Oh tapos? ano susunod? nakakaaliw, nakakakilig, nakakabaliw? Ako ang mababaliw na sa kaka ikot ikot mo sa harapan namin so sit. the f*ck. down." Sabi ni Snow habang hinila niya si Faun at itinabi sa kaniya. Mukhang nahiya naman si Faun kaya nanahimik na lang siya habang namumula.

Bigla-biglang may lalaki na pumasok sa lobby at kinausap ang receptionist na present, and to our shock, tinuro nung receptionist ang direksiyon kung nasaan kami ngayon. The man thanked the receptionist and walked towards us.

All the while lahat kami nakamasid lang sa kaniya habang umuupo sa harapan naming lahat.

"Hello." sabi niya ng nakangiti. Nagkaniya-kaniyang bati din kami sa kaniya at di nagtagal, namagitan sa amin ang awkward na atmosphere that no one dared to break.

I took the time to examine this... boy? in front of us. Short hair, naka suit and tie, may mga tattoos na nagpi-peek sa ilalim ng shirt niya. may dalawa ding bukol sa bandang dibdib niya. Wait, what the fuck? Oh shit...

It's not a dude, it's a dudette.

I mentally facepalmed because it took me too long to realize.

Now that I know she's a woman, mukha na talaga siyang babae. Is there such a thing as gwapong babae? Kasi may magandang lalaki diba?

The silence was broken by someone in our group.

"Uh... so... Sino ka? Hehe..." nerbyos na tanong ni Faun habang si Snow naman ay pasimpleng siniko ang ribs niya at ngumiwi siya.

Tinign niya kami isa-isa bago sumagot.

"Trixie White."

Kinda sounds like...

"An... acquaintance of Trickster Black." sabi niya habang tinitignan kami.

I knew it.

"Oh." sabi na lang ni Faun habang natahimik nanaman kaming lahat.

"May kasama ka?" tanong ni Mel sa kaniya.

Umiling siya at sinabing, "Wala. Ako lang ang sumusuporta sa kaibigan ko." at nginitian pa si Mel.

Aba't 'tong babaeng to ah.

Bago pa ako makapagsalita, biglang dumating si Ms. Celestine at Carlos.

"Ms. White, Spade, and company, this way please." Sabi ni Carlos habang naka bow silang dalawa ni Ms. Celestine and leading the way to the east side of the Castle.

Tumayo kami at sinundan sila patungo sa... East yard? Anong meron dito?

Dumere-deretso pa kami hanggang sa nakakita kami ng napakalaking Gladiator Arena?!

SINCE WHEN DID THEY OWN THIS?!

Hindi ko pinahalatang nagulat ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad sa loob. Meanwhile, yung mga kasama ko naman hindi nila mapigilang magkanda-ugaga sa nakikita nila ngayon.

Pagkapasok namin sa loob, nakita ko ang 14 pronomioúchos at ang Dikastís na nasa Cavea.

Ang Cavea ay parang spectator shed sa loob ng arena. May fifteen seats sa loob ng Cavea. Nagiisang row lang sila.

Deccard Brothers: SPADETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon