Twenty One - Visiting Mom

95 6 3
                                    


Napabalikwas ako ng upo dahil sa katok.

"Miss Calli, gising na po kayo?"

Napatingin ako sa paligid. Nasa kwarto ko na ako. Sa pagkakaalala ko, nakatulog ako sa pool area kagabi. Paanong nandito ako sa kwarto at nakahiga sa kama ko?

"Miss Calli?"

If I'm not mistaken, si Isay yung nasa labas.

"Y-yes. I'm awake."

"Breakfast na daw po sabi ni Sir."

"Alright. I'll be there in a bit."

Narinig ko naman ang papalayong yapak nya kaya nag-inat na ako. I made sure na maayos ang bed ko kapag bumabangon ako bago ako nag-ayos ng sarili.

Napapaisip din ako kung sino nagdala sa'kin dito. Masyado ata akong nalasing kagabi na hindi ko na napansin na binuhat na pala ako.

Bumaba na ako agad pagkatapos kong mag-ayos.

"Good morning, dad." Humalik ako sa pisngi ng ama ko na busy sa binabasa nya sa ipad nya, bago ako umupo sa tabi nya.

Ngumiti naman ito. "Good morning, princess. How's your sleep?"

"It was good. Hindi ko na namalayan sinong nagbuhat sa'kin dad. Si manong Alvin ba?"

Natawa naman ito. "Oo nga eh. Akalain mong nagpapakalasing ka na anak. But it was me who carried you to your bed."

Nagulat naman ako sa sinabi nya. Akala ko nakatulog na sya kagabi. "Really? Buti kaya mo pa din akong buhatin dad."

"Of course anak. You're my daughter. I'm the first man who carried you, and definitely the last man na gagawa nun sayo."

Napangiti naman ako sa sinabi nya. "You're not sure about that dad. Paano kung mag asawa na ako?" Biro ko sa kanya.

Napaisip naman ito at natawa. "Really? Alright, let's see about that princess."

Parehas naman kaming natawa sa kalokohan naming dalawa. I remembered before na sobrang cool nya lang na dad sa'kin. He's still the same cool dad I know.

Kumain na kami at nag-usap ng agenda namin today. Parehas na din kaming nag-ayos para sa lakad namin ngayon.

Pagkatapos ay naisipan ni dad na sya na ang mag-dadrive ng car. Gusto nya daw akong masolo today na sinang-ayunan ko naman.

Kung anu-ano lang pinag-uusapan namin hanggang sa parehas din kaming natahimik nang malapit na kami sa cemetery.

Hawak-hawak ko ang flowers na binili namin on the way here.

Pagkarating namin sa tapat ay huminga muna ako ng malalim. Nauna nang lumabas si dad. Hinayaan muna nya akong ayosin ang sarili ko na mag-isa.

Nang medyo feeling ko ready na ako ay lumabas na ako ng kotse. Kita ko agad na may bagong flowers na sa tingin ko ay dalawang araw pa lang sa puntod ni mommy. I guess it was from my father, siguro kakabisita lang din nya kay mom.

Nasa loob na ang ama ko kaya pumasok na din ako. Ramdam ko ang tingin nya sa'kin pero nakatuon lang ang tingin ko sa pangalan ni mom.

"Hey mom. It's been a while." Bati ko nang nakalapit na ako.

Umupo ako para ilagay ang bulaklak at nagtirik ng kandila.

Moonset (GxG)Where stories live. Discover now