Three - Crushing on Moon

122 9 0
                                    


"Hey Calli!"

Napatigil kami sa paglalakad nang may tumawag sa pangalan ko. Kasama ko ngayon si Abigail at Mariah. Kami ang napag utusan ng teacher namin para kunin yung test papers sa office nya. Tapos ng icheck yun at ibabalik nalang sa aming mga estudyante.

"Hi Jack." Nakangiting bati ko dito.

Napatingin muna sya sa dalawang kasama ko. Pansin kong parang nahiya sya bigla kaya nagsalita na ulit ako. "What's up?" Lumapit pa ako sa kanya at naiwan yung dalawa sa likod ko.

"Birthday ko kasi bukas. Invite sana kita. Sa bahay lang naman ang celebration at tayo-tayo lang." May binigay sya sa'kin na envelope. Siguro andito yung details ng party nya.

Tumango naman ako agad. "Advance Happy Birthday, Jack. Thank you for inviting me."

"Thanks! Binigyan ko na din si Lovi. Aasahan ko kayo ha? Bye!"

Di na ako nakasagot kasi nagmamadali na din syang umalis. Napatingin ako sa envelope.

Two weeks ago, hindi ko pa kilala sila Jack. Ngayon, may natanggap na akong invitation galing sa kanya. Ang bilis ng panahon kapag nag eenjoy ka. At so far, nag eenjoy talaga ako kapag kasama sila.

"Cal?"

Napatingin ako sa mga kasama ko. Oo nga pala, hinihintay nila ako.

"Close pala kayo ni Jack?" Curious na tanong ni Abigail.

"Yep." Simple ko namang sagot.

"Eh diba yung barkada nila puro mga bisexual?" Saglit akong tumingin kay Mariah.

Hindi ko alam kung saan nila napulot ung chismis na yan. Kahit totoo, wala pa ding karapatan ang kahit na sino ang pag usapan ang buhay ng ibang tao.

Kaya hindi na ako sumagot. Bahala sila kung anong iisipin nila.

Pagkaupo ko sa tabi ni Lovi ay nag-angat ito ng tingin. Natulog na naman kasi sya sa arm chair nya.

"Ininvite ka na din ba ni Jack?"

"Oo, nagkita kami sa hallway kanina."

"Punta tayo ha?"

Tumango ako at pasimple kong tiningnan yung laman ng invitation card.

Saktong sakto dahil Saturday bukas. Ang problema ko lang ay seven ng gabi yung party. Hindi ko sure kung papayagan ako. Although hindi ko pa naman natatry na magpaalam na umalis na gagabihin ako. But I guess it's worth the try.

"Sunduin kita para payagan ka ni tito Calixto."

Ayun! Life-saver talaga tong bestfriend ko na'to. Malaki kasi ang tiwala din ni daddy kay Lovi. Kahit hindi masyadong seryuso to sa buhay nya eh good influence pa din naman sya sa'kin.

Na-eexcite na ako. Makikita ko ulit si Moon bukas. These past few days ay mas naging close ako lahat sa kanila. Halos araw-araw kaming tumatambay sa treehouse ni Moon. Minsan naglalaro lang kami ng kung ano-anong board games, kwentuhan, minsan naman ay foodtrip, o di kaya ay movie marathon. At simula nung si Moon ang naghatid sa'kin pabalik sa school noon, pinanindigan na nya ito.

At oo na, aaminin ko ng crush ko si Moon. Hindi ko ineexpect na magkakacrush ako sa babae. Dati nagkakaroon ako ng crushes na lalaki pero hindi kasing intense sa nararamdaman ko kapag nakikita ko si Moon.

Katulad ngayon na naglalakad na naman ulit kami pabalik sa school galing sa treehouse nila. Magkatabi lang kami, and as usual, even in silence, na eenjoy ko yung presence nya. Araw-araw, ito ang pinakanilo-look forward kong mangyari. Ang maglakad kasama si Moon.

"Pupunta ka ba sa birthday party ni Jack bukas?"

Finally! Ito din yung lagi kong hinihintay, yung sya yung mauunang gumawa ng topic na pag-uusapan namin.

Moonset (GxG)Where stories live. Discover now