Ten - Missin' Moon

67 4 0
                                    


When you're truly happy, you feel like you're on clouds. Time even passes so quickly when you're with the person who makes you feel so alive. Yung tipong parang kulang parati yung oras na kasama sya.

And the only thing that you'd look forward to, is to finally to see her again.

Habang naglalakad papasok sa bahay, hindi ko mapigilang mapangiti ng malaki.

"Ma'am ang ganda po ng ngiti nyo ah."

Napatingin ako sa kasambahay namin—si Manang Agnes.

"Shhhh. Secret lang natin yan manang." Nakangiti kong sabi sabay kindat sa kanya. Napapailing naman ito habang tumatawa at at pinagpatuloy na yung ginagawa nya.

Paakyat na ako ng hagdan ng bigla kong narinig yung parang nagsisigawan.

Ano yun?

Tumakbo ako papunta sa kwarto nila mommy. I tried not to create a sound.

Masyadong malakas ang boses ni mom. I've known my mother as a very calm person. Ni minsan hindi ko sya narinig na sumigaw, or nagalit. She's always so kind kahit kanino. Kaya sobrang nagtataka ako na naririnig ko sya ngayon na ganito.

Nasa labas na ako ng door nila nang narinig kong umiiyak si mommy.

Parang pinipiga yung puso ko when I heard her sob. Bakit sya umiiyak?

"Ano Calixto? Galing ka na naman sa babae mo?"

Natigilan ako sa huling sinabi ni mommy. Babae? No way.

My father's not a womanizer. He's the best dad. Alam kong these past few days ay parang may hindi pagkakaunawaan sila ni mommy, but nakikita ko naman yung pagmamahal ng ama ko sa ina ko. Baka nagkakamali lang si mommy?

"Ano ba Jasmine? Ilang beses ko bang sinabi sayo na hindi ko sya babae? You're unbelievable!"

"Talaga? Kaya magkasama pa talaga kayo sa—"

"Enough! Anytime now dadating na anak mo! Sa tingin mo...."

Hindi ko na narinig kung ano pang pinag-usapan nila dahil tumakbo na ako papunta sa kwarto ko.

This is insane!

Hindi ko kayang paniwalaan na kayang magawa ni dad ang mambabae. I know he won't betray us.

But what if.. What if tama si mom?

Iiwan ba kami ni dad dahil sa babae na yun? No. Of course not! Dad loves us so much.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak dahil sa mga narinig ko hanggang sa nakatulog ako.

Naalimpungatan nalang ako nang may naramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko.

Una kong nakita ang nakangiting mukha ng ama ko.

"D-dad?"

"Hey Calliope."

Bumangon ako agad at niyakap sya. Niyakap din naman nya ako pabalik. "Dad! Dad I missed you!"

"I missed you too, my princess."

Hindi ko maiwasang mapaluha. These past few days hindi ko masyadong napapansin because I've been pretty occupied. But seeing him right now, it made me realize na miss na miss ko na si daddy. I'm such a daddy girl.

While hugging him, I silently prayed na sana hindi totoo ang hinala ni mom. I hope God will protect my family.

CHRISTMAS EVE.

My grandparents and other relatives are here. Naging tradition na din ng pamilya namin lalo na sa side ni dad na magkasamang icelebrate ang Christmas Eve.

Moonset (GxG)Where stories live. Discover now