Eleven - My Sleeping Moon

84 8 1
                                    


January 2010

I woke up really, really early today. It's finally Monday and today's the first day of class after our Christmas vacation.

I took extra time to stretch and smile like an idiot. Sinugurado kong maayos ang pagkakaplantsa ng uniform ko, hindi lukot ang ribbon, at malinis ang aking black shoes.

I also took my time while taking a shower, blowered my hair, at naglagay ng cute hair pins sa lampas balikat ko na buhok. Naglagay na din ako ng konting pulbo at nagpabango.

Ayan, ready na ako.

"Miss Calli, maganda po ang gising natin ah."

Namula naman ako sa sinabi ni Manong Alvin. "Manong naman."

Ngumingiti lang naman ito. Papasok na kami sa school ngayon. Naeexcite ako na ewan.

"Naku ma'am, wala po atang naghihintay sa inyo ngayon."

Bigla naman ako napadungaw harap at tiningnan yung pwesto kung saan hinihintay ako ni Moon.

"Manong!!!" Reklamo ko. Paano kasi, pinagttripan ako.

"Biro lang po ma'am. Tyak magiging maganda ang simula ng araw nya kapag nakita po kayo."

Wala na, feeling ko kamatis na naman ako sa pula ngayon.

Huminga muna ako ng malalim habang nakatingin kay Moon. Alam mo yung parehas lang naman kami ng uniform, pero iba yung dating kapag sya ang may suot. Sobrang cool nya tingnan.

Lumabas na ako ng kotse at parehas pa kami napatingin sa isa't isa. Isang ngiti lang, feeling ko may kumawala na paru-paro mula sa loob ko.

Napansin kong kinuha nya ang cellphone nya at nagtype dun. Naramdaman ko naman agad yung pag vibrate ng phone ko.

You looked really pretty.

Hindi pa ako nakakapagreply ay nag-vibrate ulit ito.

Mauna ka nang maglakad, I'll follow.

Hindi na ako nag reply at tumingin ulit sa kanya. Nginitian ko naman sya bago ako tumango.

Tumalikod na ako para pumasok sa school grounds. Wala pang masyadong estudyante dahil maaga pa.

Nakahawak lang ako sa sling bag ko. Ramdam na ramdam ko ang presensya ni Moon sa likod ko. Ito yung feeling na alam kong nakatingin lang sya sa'kin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at huminto sa paglakad sabay lingon sa kanya.

Tama nga ako, she's just 5 meters away from me. Tumigil din sya sa paglakad.

"Good morning, Moon." Nakangiti kong bati dito.

"Good morning, Calliope." Ngumiti din sya.

"And good morning, Lovi." Parehas kaming nagulat ni Moon nang biglang umakbay sa kanya ang bestfriend ko at kinaladkad ito papunta sa'kin. Magkasingtangkad lang kasi sila kaya madali lang sa kanya na akbayan ito.

"Pwede naman kasing lumapit, anong kadramahan 'to?" Tanong pa nito nang inakbayan din ako. Bale nasa gitna namin sya ni Moon.

"Alam nyo kayong dalawa, daig nyo pa yung nasa Koreanovela." Mapang-asar pa nitong sabi.

"Lovi! Ang baho mo!" Reklamo ko dahil kulang nalang isiksik nya ako sa kilikili nya. Eh ang liit ko pa naman compared sa matsing na'to.

Moonset (GxG)Where stories live. Discover now