Nineteen - Bad Day

82 6 1
                                    


Kasalukuyan akong papunta sa on-call room to get myself some sleep. Heck, I've been awake for more than twenty hours.

Twelve hours lang dapat ang shift ko, but there was a massive crash involving five cars, two ten-wheeler truck, and four motorcycles. Halos dito lahat dinala sa hospital ang mga pasyente dahil dito ang pinakamalapit na hospital sa accident area.

I know I should get used to this, but hindi pa din maiiwasang maapektuhan ako kapag namamatayan ng pasyente.

Life of a doctor is emotionally exhausting with all the deaths and morbid patients I see.

Wala na akong energy to go home at magpahinga kaya naisip kong dito na muna ako.

Nang mapahiga ako sa bunkbed ay dun ko naman naramdaman ang gutom. I haven't eaten anything since breakfast.

I just groaned for about 30 seconds and tried to sit up and get out of bed.

Once I did, naglakad na ulit ako papunta ng canteen. Hindi katulad ng ibang hospitals, our canteen offers good food.

"Doc, zombie tayo ah." Sabi ni Nurse Marie.

I can't blame them to say that. Parang zombie na din talaga ako habang naglalakad. My feet are killing me.

"Can't blame me nurse Marie." Reklamo ko dito bago umayos ng lakad.

Nag order naman ako agad sa counter pagkarating ko sa canteen at naghanap ng available na table.

"Doc Martin, yuhooo!!! Doc!"

Napatingin ako sa tumatawag sa'kin at napanganga naman ako nang makita ito na nakatayo at wagayway pa ang dalawang kamay to get my attention.

The heck! Nababaliw na ba ito?

"Doc Martin, dito ka na po." Offer nito sa seat katabi nya. Ang lakas lakas pa ng boses nya. Napatingin tuloy pati ibang nurses and doctors sa kanya.

Kung hindi sya nahihiya, pwes ako nahihiya sa ginagawa nya. Kaya lumapit ako dito para sawayin ito.

"Doctor Montes, what are you doing?" Mahina pero madiin kong tanong dito nang makalapit ako.

Napangiti naman ito ng malapad pagkalapit sa'kin at pinagbuhat ako ng chair. "Wala ng available na table doc kaya nagmagandang loob na akong ioffer 'tong seat sayo."

Oh my gosh, I can't believe this woman. Doctor ba talaga ito? She's acting like a highschooler.

Bigla naman nyang kinuha ang tray ko at nilagay sa table.

"What—"

"Come on doc, I know you're tired. Umupo na kayo at kumain para makapagpahinga na po kayo." Lumapit ito sa'kin at hinawakan ang dalawang shoulders ko to guide me na umupo bago ito umupo sa tapat ko at ngumiti.

Hindi ko din alam kung paano nya ako napasunod.

This is weird. She's really weird. Umaakto syang parang hindi nya ako senior. Mostly sa mga interns ay takot or nahihiya sa mga seniors nila, but this woman is different. She acts like everyone is her friend. And I'm not even her friend.

Napansin nya ata na nakatitig lang ako sa kanya kaya tumigil ito sa kakakain at tinitigan din ako.

"Doc, alam kong maganda ako at ako yung sunshine ng buhay mo, but you don't have to be obvious about it." Nakangiti nitong sabi na ikinakunot ko naman ng noo.

Moonset (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon