Twelve - Meeting Moon's Mom

66 5 0
                                    



"Moon, anak, andyan ka ba sa taas?"

Moon and I broke our staring situation when we heard that voice. Hindi pa ako nakakarecover sa confession nya. Ang dami kong gustong sabihin, but I can't seem to find the right words to say. At ngayon mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil kung hindi ako nagkakamali, nasa baba ang mommy ni Moon.

"Yes mom, I'm here." She said, looking at me again, and kissed the temple of my head. "I made you speechless again, right?"

I gently nodded. "You always do, Moon."

"Oh, believe me, I could make a long list of the things I love to do with you, but now's not the right time. Mom's finally home and I can't wait for you to meet her."

Tumayo sya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "I mean, o-okay lang ba sayo na makilala si mommy kahit—"

I get what she's saying, given her recent confession about her mom, so I stood up and gave her a little peck on the cheeks. "That would be the least of your worries. I can't wait to meet your mom."

She giggled out with a grin.

Bumaba na kami sa treehouse at nakita namin agad yung mommy nya na may kausap na sa phone.

Her mom looked really nice sa suot nitong floral dress. Kahit pa nakatalikod ito ay kita ko na yung ganda nya. She's indeed an epitome of elegance and sophistication.

Napansin nya ata na palapit na kami kaya humarap na ito. And I was right.

She greeted us, spreading out her arms with a beautiful smile. "Hey baby, I missed you."

"Mom..." Mahinang reklamo naman ni Moon pero niyakap din naman nito pabalik yung nanay nya.

Tumingin sa'kin yung mommy nya at nginitian ako. "Who's this pretty girl with you, Heather?"

Ang cute, ngayon ko lang narinig na may tumawag kay Moon sa second name nya.

"Mom..." Lumapit ito sa'kin at hinawakan ulit ang kamay ko. Automatic naman na napatingin ang mommy nya dun. "This is Calliope — my girlfriend."

Is it just me or kahit konti hindi nabakasan ng pagkagulat ang mommy nya?

"Oh my." Humawak pa ito sa dibdib nya at tiningnan ako ng paghanga. "Eto na ba ang magiging daughter-in-law ko? You really have a great taste, anak."

Namula naman ako sa sinabi ng mommy ni Moon. Unti-unti na ding nawawala yung kabang nararamdaman ko dahil parang maganda naman ang kinalabasan ng biglaang pagpapakilala ni Moon sa'kin.

"Come here." Nilapitan nya ako at bineso-beso. Ang tangkad nya, I guess sa kanya nagmana si Moon. "Call me Tita Hazel, or you can call me mom. Whichever you're comfortable with, dear."

"Good afternoon po tita." Syempre nakakahiya naman kung mom agad tawag ko sa kanya diba.

Napapailing naman si Moon sa kakulitan ng mommy nya. Para nga lang silang magkapatid kung titingnan eh.

"Will you stay until dinner iha? I'll cook for you."

Napatingin ako kay Moon na tumingin din sa'kin. Alam naman nya na hanggang six pm lang yung curfew ko.

"Ahh mom, baka po mapagalitan si Calliope, her curfew's until six."

"What? No, I insist. Gusto mo ba ako na tumawag sa parents mo, Calliope?"

"Calli nalang po tita. Tsaka ako nalang po tatawag, I'll try to convince my parents po."

"It's settled then. Sige, dito na muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng pagkain. It's not everyday my baby get to bring home a girlfriend. You're the first one iha."

Moonset (GxG)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum