Sixteen - Blank Space

90 5 0
                                    

Present day

"Shebby, hey."

I open my eyes as I suddenly felt a cold hand on my cheek. "I heard you sobbing. Are you okay?"

I instantly touched my face and she was right, basa nga yung ibaba ng mata ko. Hindi ko alam bakit sa lahat ng araw ay ngayon ko pa napanaginipan ang mga nangyari noon. Sobrang tagal na nung huling beses akong nagising na umiiyak.

Buti nalang marunong makiramdam si Lovi at umayos na ng upo.

"We're here." Nag-move ulit ito na may inaabot sa backseat. "Here, suotin mo'to bago tayo bumaba, ang lamig eh." Sabi nito habang inaabot yung jacket.

Tumango naman ako dahil ramdam ko na din talaga yung lamig. Naka-jacket na nga ako eh, pero kulang pa din.

Tinanggal na nito yung seatbelt kaya napakunot ang noo ko. "Teka. Paano ka?"

Kahit pa hindi ko sya kita masyado dahil inoff na nya yung light dito sa loob ng kotse nya ay alam kong she's rolling her eyes.

"Unlike you, I have a thick skin, hindi ako madaling ginawin. But I'll get one sa likod. Dito ka lang wag kang lumabas."

"Huy eto na o—" inaabot ko sana sa kanya yung jacket na bigay nya pero lumabas na ito.

She was now being attended by some hotel staff at binababa yung gamit namin.

Pagkalabas ko para iabot sana sa kanya yung jacket pero sinamaan lang ako nito ng tingin.

"Doc, didn't I tell you to just stay inside?" Tanong nito habang sinusuot yung jacket na kinuha nya dito sa likod ng kotse.

Bigla namang humangin kaya bahagyang nag-shake ako sa lamig.

"Ang kulit kasi. Tara pasok na tayo."

I checked my watch at nagulat ako na mag-aalas dose na pala ng gabi. Pinaupo lang ako ni Lovi habang sya ay abala sa front desk. Napayakap nalang ako sa sarili ko habang hinihintay ito at tumitingin sa paligid.

I'm feeling mixed emotions right now. Naeexcite ako na ewan na makita ulit yung mga kaibigan ko.

"Sheb, there's only one room for us. Madami din kasing naka-check in ngayon dahil it's summer."

Tumango ako at tumayo na. No big deal, si Lovi naman yan eh.

Parehas na kaming naglalakad papunta ng elevator habang dala-dala ng bellhop yung gamit namin.

I tried not to get affected because of my dream, but I failed. It's been so long, bakit bigla na naman bang ganito yung nararamdaman ko?

Naramdaman ko nalang yung pag-akbay sa'kin ni Lovi, na lagi naman nitong ginagawa habang pinagtatawanan yung height difference namin. Palibhasa ang tangkad nya, pero kung iisipin, hindi naman din ako pandak sa 5'4 na height ko.

She's awfully quiet, too. Baka pinapakiramdaman lang din ako.

"Sheb, we're going out." Sabi ng bestfriend ko nang makapasok kami sa kwarto at nakaalis yung bellhop.

"What do you mean? It's almost midnight." Napatingin ulit ako sa wristwatch ko bago sya sinagot.

Hindi ba sya pagod sa kaka-drive? Ako nga na natulog lang naman sa byahe ay parang naubos yung energy.

"Any minute now ay dadating na si—"

She was quickly cut off by a sudden action from the room door. "Heeeeyyyy ladies!! Guess who's back!!"

It was Jack, one of my oldest friend way back in highschool. Gosh, ang tagal na nung huling beses ko sya nakita.

Bakit ganun, lalong tumangkad din ito. Ako lang ata talaga ang napag iwanan sa height. But gosh, lalo din itong gumanda. She looks mature now, but in a very good way. Ang professional nya tingnan sa suot nyang slacks and blazer. May touch of femininity na din yung style nya at shoulder length na yung hair nya. Ibang iba sa Jack na nakilala ko noon.

Moonset (GxG)Where stories live. Discover now