- vingt-sixième -

En başından başla
                                    

Awtomatiko akong napatayo paharap sa direksyon niya at nag-bow ng kaunti. Nilapitan niya ako.

"Yeah, you are! Nice to see you here!"

"Z-Zanessa..." iyon na lang ang nasabi ko. Siya lang naman ang kapatid ni Lyle - 'yung classmate ko nung High School na nagpapagawa sa akin ng projects at homeworks dati.

"Good, akala ko nalimutan mo na ako e. How are you? You've really changed a lot, you look so stunning!" bati niya sa akin tapos bineso ako.

Isang bagay lang ang naramdaman ko ngayon: awkwardness!

"I'm okay. I-ikaw, kamusta ka na?" tanong ko sa kanya, hindi ko talaga alam kung paano ko siya kakausapin. I was being bullied by her before but now, her brother became my almost-boyfriend whom I broke his heart. Paano ba 'to?!

"I'm good. By the way, I find this place too elegant! I like this Zurich Artistry here in Manila rather than the ZA's from different countries."

Kung makapagsalita si Zanessa parang wala lang nangyari noong High School days namin. Hindi rin ako sigurado kung alam niya ang tungkol sa amin ni Lyle at maliban pa doon, hindi ko pa siya nakikita sa paligid. Kung nandito si Zanessa, of course nandito din siya.

"Wow, thanks for that compliment."

"And thanks for inviting us, too. Parents ko sana ang pupunta dito kaso naka-bakasyon sila overseas kaya kami ni Kuya Lyle ang nandito ngayon."

Parang naubusan ako ng hininga dahil sa sinabi ni Zanessa - nandito si Lyle! Shit, hindi ko na agad alam ang gagawin ko. Hindi naging maganda ang huling pagkikita namin ni Lyle pagkatapos nung nangyari last week kaya hindi ko alam kung paano kami mag-uusap!

"Oh talaga? W-wow." pilit akong tumawa. Alam kong hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa sinabi niya. At sa nararamdaman ko, mukhang wala ding ideya si Zanessa tungkol sa amin ni Lyle.

"Oops, he's here na! Hi Kuya! I'm with Suri!~"

Tawag ni Zanessa kay Lyle sa may bandang likuran ko, na-feel ko 'yung presensya niya pero wala ang courage na lumingon. Narinig ko ang mga yapak niya papunta sa amin at tumabi siya kay Zanessa. Malalim niya akong tingnan sa mga mata ko habang ako ay 'di na mapakali kung saan titingin.

"Nice to see you again, Ms Shadows." seryosong bati sa akin ni Lyle at in-offer ang kamay sa akin para makipag-shake hands.

Nakatingin lang ako sa kamay niya at hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang kamay niya o hindi hanggang siya na lang ang humawak sa kamay ko at nakipag-shake hands. Whew! Mauubusan talaga ako ng oxygen nito.

Nasaan ba si Mikko para makaalis ako dito?! Gusto ko nang umiwas sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko pa magagawa 'yun dahil cornered nila akong dalawa at saka ang sama ko naman kung bigla na lang ako aalis dito. Bahala na talaga!

"H-Hi. Are you enjoying the opening of Z-ZA?" awkward na tanong ko sa kanya.

He smiled at me with that sad look on his eyes. "Yep. This is very great. We are honored to be invited by your family."

Tumawa ako ng kaunti. "You are most welcome. R-Regards to your parents. I wish they should've come here."

"Yeah, sayang."

Nagkaroon kami ng little talks syempre kasama si Zanessa. Hanggang ngayon hindi ako sure kung genuine ba siya sa mga compliments at kwento niya kasi kumpara sa huli naming pagkikita noong High School at ngayon, parang hindi ito ang Zanessa na kilala ko noon. Well, time changes, people does to. Maybe.

"Kuya, I think I saw Devin Ongpauco somewhere. I need to talk to him. Can I be excused?" tapos tinignan ako ni Zanessa na parang nagpaaalam siya na e-exit muna siya sa usapan.

Your Boyfriend SucksHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin