- vingt-sixième -

Start from the beginning
                                    

"I can see it in your eyes, Suri. You are in love with him." natawa siya.

Tumango ako ng mabagal. "Of course. Alam mo ba, gusto ko sanang ipakilala kayo sa isa't isa kaso nasa New York ka at busy siya ngayon sa Law School, hopefully one of these days mag-meet kayo."

Napa-'o' ang bibig niya. "So he's a future lawyer in the making. Ang galing mo namang pumili, may boyfriend ka na, may abogado ka pa 'di ba? By any chance, may business ba sila?"

I rolled my eyes. "Mukha ka talagang business, ano? Yeah, meron sa Japan. Fujiwara Electronics."

"Smashing! FE pala e. What a small world! I'm going to tell this to Sweetybabes." tapos pumalakpak si Mikko ng isang beses.

"Ano'ng meron dun? Alam mo ba 'yung company nila?"

"But of course! Sila ang pinakamalaking Electronics company sa Japan at East Asia, nage-expand na rin sila sa Europe and they were great. We're actually looking contacts for FE, nasa'yo lang pala." akala mo parang naka-jackpot siya sa sinabi ko.

"Kayo na lang ang kumausap sa kanila. Hihingin ko na lang 'yung address ng office pati na 'yung e-mail at contact number kay Paris. If that would help?"

Nag-thumbs up siya sa akin at kumindat. "Oo naman!-hey!" biglang nakita ni Mikko ang consigliere at caporegime ng Lucchese Crime Family at lumapit ito sa amin kasama ang ibang high members ng Mafia. 'Yun nga lang, wala si Skylar, nasa bakasyon daw e.

Ngayon ko lang sila nakita matapos ang ilang taon at masasabi kong nagsilusugan sila at nag-age na din. Nakipagbatian din ako sa kanila at nakipagkwentuhan. Sila din kasi ang nakasama ko habang nasa New York kami dati.

"You've grown a lot, Suri! You look so elegant today." sabi ni Uncle Al, ang lawyer-cum-consigliere ng pamilya, tapos nakipag-beso ako.

"Yes, time goes fast. And of course, I am the General Manager of the Zurich Artistry so I need to be presentable to everybody." tapos tumawa ako.

"With or without make up, you're still elegant, Little One." asar naman sa akin ni Andolini, 'yung caporegime. Little One talaga ang tawag niya sa akin dahil nga sa maliit ako noong una niya akong makita at lagi akong nagpapabuhat sa kanya 'pag nakikita ko siya dati pero syempre ngayon imposible na ano!

"That's why I love you both!" nagkatawanan kami, ang saya lang na mkasama mo uli 'yung mga dati mong guardians at the same time, mga kaibigan na rin.

I know Mafia is a big thing, if you know what I mean. My family hasn't got direct connection being a member of Lucchese Crime Family, which my late grandfather was the Don before. Nung mamatay siya, si Dadadi na dapat ang papalit sa position pero ni-refuse niya dahil gusto niya ng tahimik na buhay kaya 'yung father na lang ni Skylar (see the last chapters of MSB2 to know him further!) ang naging Mafia boss. Syempre kahit naman ganoon, they remained as friends and our family is still included in their security.

Matapos ng ilang pagkukwentuhan at photo-op, nagpasya muna akong umalis sa kumpol ng mga tao. Nakakapagod din kasi ang maglalakad, magsalita at ngumit ng ngumiti, actually ang sakit sa paa dahil 'di ako sanay mag-heels pati 'yung bibig ko at panga ko, nangalay na sa kakagiti at tawa. Sorry, pero ganito pala talaga ang pagod pag nasa social private functions.

Umupo muna ako sa isang upuan malayo sa kumpol ng mga tao, grabe na ang haggard ko. Pasimple kong tinignan ang mukha ko sa salamin ng face powder na nasa bag ko at mabuti at hindi pa nahulas ang make-up ko, mukha pa din akong tao!

"Reimi Suri Shadows? Is that you?!"

Napalingon ako doon sa taong tumawag sa buong pangalan ko at nang makita ko kung sino, sobrang na-taken aback ako. Hindi ko akalain na nandito siya, which obviously means nandito rin 'yung kapatid niya. Good Lord! Bakit hindi ko alam na kasama pala sila sa guest list?! For sure, inimbitahan sila ni Dadadi!

Your Boyfriend SucksWhere stories live. Discover now