“Bakit mo sinasaktan ang bata! Iniwan ko sya ng maayos sayo tapos ano? Babalikan ko na sugatan at naiyak? Bwisit ka talagang babae ka! Ano bang problema mo?!”

“Problema ko?! Kayo! Lahat na lng inagaw mo! Bagay nga sayo yung nangyari nung camping nyo! Dapat natuluyan ka na edi sana ngayon wala ng panggulo? Nung napahiya ka sa school? Nung natapunan ka? Dapat lang sayo yun! Mang-aagaw!”.

“Ikaw ang nagplano ng lahat ng iyon?”

“Oo. Plastic ka kasi. Fake!”

“Hahahaha. Fake? What do you think about yourself? Fake hair. Fake nails. Fake smile. Are you sure you weren’t made in China?”

“What the hell!”

“ATE ZYRA”

 

END OF STORYTELLING.*

 

“Tapos ayun sinampal mo si Ate! I HATE YOU KUYA! I HATE YOU KUYA! I HATE YOU KUYA! I HATE YOU KUYA!” pinagpapalo nya ako sa dibdib/

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Maggie. Ibig sabihin hindi kasalanan ni Zyra ang lahat ng ito. Hindi totoo na naghiganti sya.

“Maggie, stay here okay?” tumango lng sya.

Pumunta ako sa kwarto ko para kunin yung bracelet na napulot ko nung nahulog si Zyra noon. Naalala ko na kung kanino ito. Kay Vanessa!

“Hello?” sabi nya.

“We need to talk. Sa park. Now.” Sabi ko .

Dumiretso ako sa park para malinawan ko na ang lahat.

“Why?” tanong nya sa akin pagkadating ko.

“Sayo ba ‘tong bracelet?” tanong ko kaagad sa knya.

“Oo. P-paano napunta sayo yan?” kinakabahan nyang tanong

“Kayo ba ang nagplano na ihulog si Zyra sa butas noong camping?” diretsyahang kong tanong. Hindi nya ako sinagot. Yumuko sya. “SUMAGOT KA!” hinawakan ko sya sa magkabilang braso.

“Oo! Kami nga! Napag-utusan lng naman kami eh!” sabi nya na naiiyak.

“Sinong nag-utos sa inyo?” tanong ko.

“S-si Bianca. I’m sorry Dj. Sorry sa mga nagawa namin kay Zyra. Naiingit lng naman kasi kami sa kanya. Pero dapat talaga magsosorry na ako sa kanya. Malaki ang utang na loob ko kay Zyra.”

Magic Of Love <3 [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon