New Life

593 11 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi rin naman namin pinag-uusapan ni Ethan ang about dun. Hindi naman namin iniisip na itago si Nathe sa mga magulang niya, I'm just waiting the time na siya mismo ang kusang magpapakilala sa kanila kay Nathe

"DADDY!!!!" Nathe shouted when he saw Ethan.

Sinalubong niya ito ng yakap. Bakas sa muka ni Nathe kung gaano niya namiss ang tatay niya. Tumayo si Manang at kinuha ang hawak ni Ethan. Binuhat niya si Nathe at umupo sa tabi ko.

Mukang napansin ni Ethan ang mga braso ni Nathe kaya naman ay hinawakan niya ito at nilapit ito sa muka niya.  "Ang dami mo nanamang star, Baby" Ethan's praised him habang tinitignan ang braso ni Nathe 

I'm smiling while looking at them habang nagkukulitan silang dalawa. Nawala ang ngiti sa mga labi ko ng maalala ko ang sinabi ni Nathe. I want him to be happy. Sino nga ba ako para hindi pansinin ang kasayahan ng anak namin? 

Kahit anong maging sagot ni Ethan, nandito ako para i- comfort ang anak ko. 

"Baby, Can you go to Lola Manang first? Mag-uusap lang kami ni Daddy " Sabi ko sa kanya. Hindi na siya nagtanong. Tumango naman siya at agad na pinuntahan si Manang sa kusina.

Ethan looked at me, waiting kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Huminga ako ng malalim at bahagyang lumapit sa kanya.

"Ethan, Nathe wants to meet your parents in person " sabi ko.

Sumandal siya sa upuan at tumango-tango siya. "Puwede naman.. Since my parents want to have a grandson already" he said while smiling

"Really?"

"Yes," sagot niya habang tumatango. "Minamadali na nga nila si Kuya para magkaroon ng apo" pagpapatuloy niya.

Ngumisi naman ako at napa-iling. Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako. Kung hindi gumagamit si Ethan ng condom, Baka marami na silang apo...

sa iba't bang babae. 

"Can we set a date?" tanong ko. Tumingin siya sa malayo na parang nag-iisip.

Habang hinihintay ang sagot niya ay kinuha ko ang phone ko sa pocket at nagbukas ng social media. 

I'm peacefully scrolling ng may naka-agaw atensyon ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or ano. Huminga ako ng malalim at binaba ang hawak kong phone. Hindi nalang sana ako gumamit ng phone, Nakakawala ng gana. 

"I forgot to tell you--" hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ay tumango na ako at sumandal sa upuan. Great, Alam na pala niya di man lang niya sinabi sakin. 

badtrip siya.

Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko sa nakita. Hindi man lang sila humingi ng tawad bago nila ito ginawa sa'min. Hanggang ngayon ay hindi ko parin nakakalimutan ang kagaguhan na ginawa nila samin. I still hate them from the bottom of my heart. 

I still don't want to see them. Pero wala e, nakita ko nanaman sila.

"Pupunta ka sa kasal nila?" tanong ko sa kanya.

That shit. 

Yohan and Judy is already engaged. The article says na ginawa daw ang proposal ni Yohan sa Harvard Yard.  

Sweet. fvck them! 

"Ingit ka?" pangangasar niya. He's smiling like a dog.

I rolled my eyes. Edi sila na may badget, Taray naman niya mag propose sa Harvard pa talaga. Hindi ko naman alam na ganun pala kaaga ang engagement na magaganap, isang taon lang naman sila, sa'min matagal kami, pero walang ganun na nangyari. 

"Don't worry, I'll propose to you, sa moon" 

"Tigilan mo nga ako" 

"What? Mas maganda sa'tin, moon, unique. " 

I don't know kung saan kumukuha ng lakas ng loob si Ethan ngayon, Imposible naman na okay lang ang lahat sa kanya. We are both in a long term relationship with them and first love naming dalawa 'yon. 

Binalik ko ang tingin sa kanya. Nakatingin pala siya sa'kin habang pinagmamasdan ang reaksyon ko. Ngumiti ako sa kanya at bahagyang lumapit sa kanya, I hug him tight.

Dalawang taon na ang nakakaraan, but it's still painful. Tila bago pa ang lahat, mula nang iwan nila kaming dalawa. 

"Wag kang iiyak" bulong niya sa'kin.

I rolled my eyes, "Ulol" 

He chuckled. Hindi nalang ako nagsalita at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya. Kaming dalawa nalang ang nanditom=, kasama ang anak namin, How can we survive in this situation? 

We don't know

Ang alam ko lang ay nagpapalakas sa sa'kin si Nathe. He's my little angel. I love him so much that i want to do everything just to make him happy.

While Ethan, Hindi ko alam if he's okay now, Magaling siya magtago ng emotions. He's happy when he's with us. Ngunit hindi ko alam kung ano na ang nangyayari kapag wala kami sa tabi niya. 

Nilulunod niya parin ang sarili sa alak hanggang ngayon. He's killing himself slowly.

"Lumabas nalang tayo"  bulong ko sa kanya. 

He chuckled. "Akala ko sasabihin mo, Magpakasal na rin tayo" 

Natawa ako sa sinabi niya. I actaully want to say that to him, Since ang kuya at Ex niya ay Engaged na, Bakit hindi kami diba? Kami ang naiwan dito sa pilipinas.

Kami dapat ang nasa ibang bansa para mag move on, Ganun naman diba?

"I will call Nathe" bulong niya.

Tumango ako at lumayo sa kanya. Tumayo siya sa mula sa sofa at tumungo sa kuwarto ni Nathe sa taas. Tumungo rin ako sa kitchen para mag-ayos ng dadalhin kong snack for us

Pagkalipas ng dalawang minuto ay bumaba si Ethan kasama si Nathe, Our son is wearing a same clothes like him, Black v-neck and a pants. 

"Guwapo ng baby namin" sabi ko at hinalikan ang pisnge niya.

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko at hinila palabas ng bahay namin. He is the one who's taking me in his father's car. Alam kong excited siya.

I opened the backdoor para makapasok sa loob si Nathe bago ako pumasok sa unahan. Pagpasok ko sa kotse ay agad niyang pinaandar ang sasakyan. I saw Nathe wearing his seatbelt and so am i 

Nakatingin lang ako sa labas habang iniisip ang susunod na mangyayari, Hindi ko alam kung kaya ko pa silang makita, I loved him, but i think it's time to let it go. 

I want to make a new chapter with my family. 

Ethan and Nathe are the only family that I have. Sila ang reason why I'm still here. Hindi ko hahayaan mawala ang mga taong importante sa buhay ko. Hindi ko hahayaang masaktan lang sila ng kung sino-sino. 


Making Her Mine (Under Editing)Where stories live. Discover now