Apollo

2K 51 0
                                    

Napabuga ako ng hangin habang pinapanood ang iba't ibang candidates na nagbibitaw ng matatamis nilang salita. Tita invited me here para suportahan si Yohan sa kampanya niya.

Hanggang ngayon ay ako parin ang iniimbitahan. Pagkatapos ng araw na 'yon ay iniiwasan ko si Yohan kaso ngayon naman ay si Tita nanaman ang dahilan kung bakit ako nandito.

I'm quite nervous at the same time happy because mangyayari na yung gustong mangyari ni Yohan. Nandito na siya ngayon, asking for their votes and support.

Napahinto ako ng tingin ng makita ang prisensya ni Apollo. He's wearing a black t-shirt, black jeans and white shoes. Nasa likod niya ang mga body guards niya.

Nakasuot ito ng uniform nila at shades. May something din sa tenga nila na parang earphones? Huminto ito sa tapat nila tito at tita.

Bahagya itong yumuko. Pag angat nito ng ulo ay may kakaibang ngiti itong suot. " Magandang umaga, Mr and Mrs. Martinez"

" Magandang umga,Iho. Mukang patagal ng patagal ay mas mas lalo kang gumagwapo. " Pambobola ni Tita.

"Hindi naman po, Mrs. Martinez " ani nito na may halong ngisi. Pagkatama ng mata naming dalawa ay bahagyang lumaki ang ngisi nito na ikinataas ng kilay ko.

"You're here, Sofia "gulat nitong saad na parang hindi makapaniwala.

Tumango tango naman ako. Nginitian niya ako ng matamis bago niya nilapit ang bibig niya sa tenga ko.

"Papanoorin mo ba kung paano ko papahiyain si Yohan sa maraming tao?" Bulong niya sa akin.

Ngumisi naman ako at tumingin sa gawi ni Yohan. Matalim ang tingin nito sa likod ni Apollo.

"Do whatever you want, Apollo " bulong ko sa kanya. " Kahit anong mangyari, Si Yohan parin ang pipiliin nila "Pagpapatuloy ko.

Lumayo si Apollo at tinignan ako ng masama bago niya ako tinalikuran.

Nawala ang ngisi ko at nagiwas ng tingin. Apollo is the sweeties person that I know. It's all because of her. The first person who turns him into a monster.

"MARAMING SALAMAT po sa pagpunta, mga kababayan. DIto na po nagtatapos ang debate " ani ng host at bumaba na sa intablado.

Napabuga ako ng hangin ng makita ko kung gaano kalaki ang ngisi ni Apollo. He won in this round.

I don't know kung ano ang nangyari sa kay Yohan at wala siya sa sarili niya. Lutang ito buong oras. This is not him.

"Ano ba ang nangyari kay Yohan? Wala ata sa wisyo " Tanong ni Tita kay Tito.

Nawala ang tingin ko Apollo ng may naradaman akong pumulupot sa bewang ko.

"Anak, anong nangyari? " Tanong ni Tita kay Yohan. Mas lalong humigpit ang pagkakapulopot ni Yohan sa bewang ko na ikinangiwi ko. Problema nito?

" Masama lang po ang pakiramdam ko, Mom. " sagot niya na may halong diin.

Binaling ko ang tingin ko kay Yohan. Tinignan niya ako ng mariin.

May ginawa ba akong masama?

"better luck next time, Anak" Sabi ni tito at tinap ang balikat ni Yohan.

Napalunok ako ng mariin at binaling kay Apollo ang tingin.

Ngumiti siya sa'kin na may halong pangangasar. Badtrip!

I felt tickle when Yohan brought his mouth close to my neck. "Yari ka sa'kin mamaya" bulong niya at pinisil ang bewang ko.

Yohan is driving to his house. Before we go straight here we drive thru to Jollibee first because we both haven't eaten lunch yet. I closed my eyes as I remember what happened to Apollo.

Making Her Mine (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon