Jealousy and Date

2K 50 5
                                    

I'm busy checking my classmates test paper ng tumunog ang phone ko. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang pangalan ni Yohan. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang text message niya o hindi.

I really want to avoid him as long as I can. Hindi na siya nakakabuti sa buhay ko at sa buhay namin ni Nathe pero hindi ko alam kung bakit ang rupok ko pagdating sa kanya.

Napabuga ako ng hangin ng mag text ulit siya sa'kin. Pumikit ako ng mariin bago buksan ang text message na galing sa kanya.

--------

Yohan

Nandito ako sa office ko, pumunta ka rito,

-----

Yohan

Kung ayaw mo ng issue kusa kang pupunta dito sa office ko, I will give you fifteen minutes.

------

Si Yohan nga siya. Diyan naman magaling si Yohan, maging bossy. Paano ko ba nakalimutan na nagt-trabaho siya dito sa University?

Wala akong takas sa kanya, Pati ba naman ang power niya ay gagamitin niya para paikutin ako. He really knows na ayoko ng issue. Ayoko na kasi ma- involve ang pangalan ko kasunod ang kanya.

Ayoko na ulit ma- address bilang desperadang babae na habol ng habol kay Yohan. I'm done with that. Tapos na ako maging aso sa paningin ng tao.

Huminga ako ng malalim at agad na tinapos ang mga papel. Buti nalang ay lima nalang ang natitira ng magtext siya.

Pagkatapos ko mag check ay dinaan ko muna kay sir Oliver ang mga papel bago ako dumiretso sa Office niya. Pagkabukas ko ng pinto ay nakatingin na ito agad sa'kin na tila hinihintay ang pagdating ko.

"Bakit ngayon ka lang?" kunot-noo na tanong niya

Bumuga ako ng hangin at umupo sa tapat ng table niya. "Inutusan ako ni sir oliver na mag check ng papers"

"You should text me"iritadong sagot niya

"Wala akong load" pagsisinungaling ko.

Tunitigan niya ako sandali at padabog na tumayo mula sa kanyang inuupuan. Nanliit ang mata ko sa ginawa niya. Galit na siya nun?

Bakit tila ay may regla siya kung umasta. Hindi lang naman ako nag reply sa text niya, napakababaw.

"Punta tayo sa Jolibee and sa bahay ko" masungit na sabi niya.

Kahit naguguluhan ay sinundan ko lang siya. Wala ata siya sa mood. Hindi pa naman nagsisimula ang botohan kaya imposible na nagsusungit siya kasi talo siya.

PAGKADATING namin sa bahay ni Yohan ay dumiretso ito sa kusina kaya sumunod ako. Hawak ni Yohan ang binli namin sa Jollibee.

I'm freaking hungry sa totoo lang. Okay, maybe it's my fault dahil hindi ako kumain ng breakfast at nung break time. Busy din kasi sa school kanina since graduating na kami.

"Babe, Sit there. Hayaan mong pagsilbihan kita" sabi niya na may halong diin. " Save your energy dahil papagurin kita mamaya" pagpapatuloy pa niya.

Lumunok ako ng mariin at umiwas ng tingin. Alam kong dinadaan niya lang ito sa ganung paraan para hindi ako manghinala at isa pa, I'm not freaking innocent kaya alam ko ang tumakabo sa isip niya na ikinadadagdag ng kaba ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung bakit ay tila galit siya sa'kin. Did i do something wrong?

Dahil ba dun sa text na hindi ako nag reply? Pero naknang! Napaka babaw nun. Ano ba paki niya sa'kin? Hindi naman importante text message ko.

Making Her Mine (Under Editing)Where stories live. Discover now