Kabanata 52

379 11 0
                                    

Kabanata 52

Motherhood

"What do you want from life?" She asked me as I sat down beside her.

Nakita ko ang pagsunod ng tingin nito sa akin kaya natawa ako.

"Para kang tanga, Yerim. Bakit ba panay ang paninitig mo sa'kin?" Tanong ko sa kaniya at bahagya pa siyang tinulak.

Inayos nito ang upo niya saka sinimsim ang alak na nasa baso niya. "Just answer my question, Rae. Your life seems so perfect ever since you and Levi—"

"My life is not perfect, Ye. Kung ano man 'yang nasa isip mo ay tigilan mo na lang," putol ko sa sasabihin niya dahil alam ko kung saan na naman ang tungo ng usapang ito.

Kadarating lamang niya mula sa Seoul dala ang malungkot na balita. Lucas broke up with her and it's not her fault. Matagal na pala siya nitong niloloko at ngayon lang umamin dahil buntis na ang babae nito roon. Mabuti na lang at hindi martyr ang babaeng ito dahil kung oo ay lagot siya kay Rafa.

"I just wanna know. Kung hindi ka ba namin iniwan noon sa Tierra Fima ay magkakakilala kayo nang malalim ni Levi?" Tanong pa niya kaya lalong nangunot ang noo ko.

Pinasadahan ko ito ng tingin. She's now wasted. Marami-rami na rin ang nainom nito at tila wala pa yatang balak tumigil.

I heave a sigh and just shrugged my shoulder.

"Where can I find my own billionaire kaya?" She also added kaya natawa na ako. "Huwag mo na lang sagutin ang tanong ko," wala sa sarili nitong dagdag pa.

Napatingin ako sa baso kong may laman pa ring alak. What do I want from life? Well, it's simple. I just want to live a life of beauty; I want to travel with my daughter and Levi, notice sunsets, eat food that I love, take care of my body especially them. I want to spend the rest of life with them nang walang inaalalang kahit na ano.

"You should sober up now, Ye. Marami ka nang nainom," I told her right after I drank the entire whiskey nang sa gano'n ay wala na siyang mainom.

Matalim itong tumingin sa akin at marahas na umiling.

"I'm fine, Rae. You know me, mataas ang alcohol tolerance ko. Uminom pa tayo, please," pagpupumilit nito kaya napairap ako.

Magsasalita na sana ulit ako nang matigilan ako nang marinig ko ang mahihinahy hikbi niya. Nakayuko na ako kaya hindi ko makita ang itsura niya. All I can see now is her shoulder. Tumataas-baba iyon.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at marahang tinap ang balikat niya. Hindi ito kumibo kaya tuluyan ko na siyang niyakap. Maya-maya pa, lumakas na ang hagulhol nito. She cries like everything in her is in pain. Na parang ito ang unang beses siyang nasaktan at pakiramdam niya'y hindi niya kaya. Habang pinapakinggan ko ang hagulhol niyang iyon ay mas lalo kong naramdaman ang sakit roon. Punong-puno ng galit at sakit.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now