Kabanata 43

391 11 0
                                    

Kabanata 43

Hate

"I need to get back to the office dahil kailangan nang makahanap ng kapalit ni Marcus. Hindi puwedeng ma-delay ang movie ngayong taon," I heard Levi said to someone on his phone.

Nabaling ang atensyon ko kay Ria nang kalabitin ako nito. "Why, baby?"

"Are you going to work, mommy?" She asked while sipping on her milk.

We were having breakfast together. Wala na ang ibang tao sa Casa dahil may kanya-kanya ring mga trabaho ito at ang iba naman ay nasa ospital para magbantay. Sabi ng doktor ay mananatili pa siya nang ilang linggo roon hanggang sa makabalik ang alaala niya. It's been a rough week for all mostly to Tita Criselda lalo na't ibang babae ang inaakala nitong asawa niya. Kahit ako ay hindi ko rin kaya iyon.

"I'm not, si daddy lang. Why?" Balik na tanong kong muli sa anak ko.

Ngumiti lang ito at saka tumango.

"I want to go to his office, mommy. Can we go with him?" Tanong na naman nito kaya natawa na ako.

Dinig ko pa rin na may kausap si Levi sa telepono kaya hindi ko na lang pinansin iyon. Ria suddenly sit on my lap and hugged me tightly.

"Please, mommy. Miss ko po kayo ni daddy," she also added.

Muntik nang matunaw ang puso ko dahil sa sinabi niya. Agad kong tinugunan ang yakap nito at hinalikan pa siya sa ulo.

"Alright. We will surprise him later after we visit your Lolo Saldy, okay? Don't tell him," bulong ko sa kaniya.

Paulit-ulit itong tumango hanggang sa makabalik si Levi sa mesa. Nakakunot na ang noo nito at tila may pinoproblema.

"Sabi ko ay si Marcus lang ang palitan, pati pala ang leading lady ay pinalitan," mariin ngunit pinipigilan niyang tumaas ang boses niya dahil nasa harap namin si Ria.

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"What? Bakit pati si Megan ay pinalitan?" Takang tanong ko sa kaniya.

Saglit na tumingin ito sa anak naming tahimik lang na kumakain bago muling bumaling sa'kin.

"Let's just talk about it later. I'd like to have lunch with you pero walang kasama si Ria dito," nakanguso niyang sambit sa'kin kaya halos matawa ako.

Ngayon ko lang nakita ang ganitong itsura niya kaya hindi talaga ako sanay. Pakiramdam ko ay ibang Levi ang nasa harapan ko ngayon.

"You can just order outside. Uwi ka na lang nang maaga," natatawa kong sinabi sa kaniya.

Saglit pa itong tumingin sa'kin nang mataman at tinaasan pa ako ng kilay. Hinampas ko lamang siya sa braso nang maunawaan ko ang tinutukoy niya. Humalakhak lang ang lintik na si Levi at nagpatuloy na sa pag kain.

Matapos ang breakfast na iyon ay tumulak na si Levi patungo sa office habang kami ni Ria ay naiwan sa napakalaking mansyon na ito. Pakiramdam ko ay maliligaw pa ako rito dahil sobrang lawak at hindi ko pa masyadong kabisado ang mga sulok.

Pinaliguan at binihisan ko lamang si Ria saglit at pagkatapos ay natulog na ito. I decided to cook something for lunch para madala ko ito mamaya pag punta namin ng Acuzar Empire. Napapangiti pa ako habang naghihiwa ako ng mga sangkap na gagamitin kapag naalala ko ang nangyari kagabi. Bwisit talaga ang lalaking 'yon minsan.

Nang matapos akong magluto ay saktong tumawag si Yerim kaya kaagad ko itong sinagot.

"Kumusta ka na? Kumusta na ang dad ni Levi? I heard what happened," she stated as I was blow drying my hair.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now