Kabanata 49

370 13 0
                                    

Kabanata 49

Memories

"Susunod kami," ani Levi.

Maxim simply nodded at him while Jaxon tapped his shoulder. Tinanguan lang nila ako bago napagdesisyunang umalis na.

I can feel the nervous in my heart. I feel si anxious while thinking I couldn't do it. Sa sobrang kaba ko ay kahit malapit na kami sa Casa de Acuzar ay iniisip kong huwag na lang tumuloy at magpaiwan na lamang. Sinubukan ko pang i-offer muli iyon sa kaniya ngunit hindi na talaga siya pumayag.

If there is a need to face his mom and dad, I would. But I also don't wanna hurt them more so I'd rather stay here. Sa sobrang kalituhan ko ay kinailangan ko pa si Levi para sa kaniya na lang bumase ang magiging desisyon ko.

At the nth time, he said we should go so we did. Kahit pa takot akong makasakit ay si Levi na ang nagsabi at kung may mangyari man ay nandiyan naman siya upang pumagitna sa lahat.

Nang makapasok kami sa mansion ay sumalubong sa amin ang nakakabinging katahimikan. Ang kaunting tunog ng mga huni ng ibon at yabag ng kung sino ay dinig na dinig ko.

Nadatnan namin ang lahat sa mahabang dining table nila. Naroon na sina Maxim at Jaxon, Celine at ang iba pang malalapit nilang pinsan ngunit wala si Acel. Si Tita Criselda ay nasa kaliwang side ng lamesa malapit sa asawa nitong nasa gitna nakaupo. May benda pa rin sa ulo ngunit halata mong maayos na ang kalagayan.

Tumikhim si Celine at pagkatapos ay lalong tumahimik ang lahat. Levi dragged the chair beside him. Pinapanood nila kami kaya naman halos magpalamon na ako sa lupa.

I am terribly nervous. My heart is pounding so hard. Naupo ako at agad na naramdaman ang pagkakamali sa pagpunta ko rito. Dito pa lang ay ramdam ko nang wala dapat ako rito. Hindi puwedeng narito ako.

Levi then went to his mother. He kissed her forehead. Tahimik na tinanggap iyon ni Tita Criselda habang niyakap lang nang bahagya ang dad niya. Napansin ko pa ang pagbaling ng mom niya sa'kin kaya nanigas ako sa kinauupuan ko. Sa takot ko ay iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya.

"I heard what happened," Levi's dad began.

Nakita ko ang saglit na pag tingin ng lahat sa kaniya. Maging ako ay nagulat roon. Nasabi na nila Maxim at Jaxon na bumalik na ang alaala nito ngunit nagulat pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa sinabi niyang alam niya ang nangyari. Sino ang nagsabi sa kaniya? Isa pa, sa lahat ng nangyari, alin sa mga 'yon ang alam niya? O lahat ay alam na niya?

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant