Kabanata 37

409 10 0
                                    

Kabanata 37

Faith

It's been a week has passed since Asteria had surgery. Her donor is her own dad. Nagpapagaling na si Levi habang ang anak ko ay hindi pa rin nagigising mula nang matapos siyang operahan. The doctor said she was comatose and did not know when she would wake up. Nang tanungin ko kung bakit nagkagano'n, hindi raw ito kinaya ng katawan niya.

Tulala akong nakatingin sa harapan. Walang ibang iniisip kundi ang kalagayan ng anak ko. Ilang beses na akong nagdasal nang paulit-ulit sa kaniya ngunit kahit isa sa hiniling ko ay wala pa siyang tinutupad. I feel like I'm slowly losing my faith. Everything is fucked up and I don't know how to fix it.

"Hey..." I heard someone called me.

Nang lingunin ko kung sino iyon ay nakita ko si Jaxon. Tamad akong tumango sa kaniya at ibinalik ang tingin ko sa harapan kung nasaan Siya. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa'kin.

"Hindi mo pa rin binibisita si Lorraine," dinig kong sinabi nito kaya napayuko ako. Nakita ko ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko sa kamay ko.

"She needs you, Rae. Why don't you visit her?" He also nodded which made me shake my head.

"I... can't, Jax. Hindi ko kayang makita siya sa gano'ng sitwasyon. S-she's so... young. Hindi ko kaya," halos bulong kong sinabi sa kaniya. My voice is slowly crashing.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil napakasakit no'n. The feeling that you really want to go to her because she needs you but you are afraid that she might just be waiting for you. Na baka ako na lang ang hinihintay ng anak ko bago ito mamaalam. Hindi ko kakayanin. This feeling is so heavy and disturbing. Ilang araw nang parang may nakadagan na sobrang bigat sa dibdib ko at pabigat pa nang pabigat iyon habang tumatagal.

"I don't know how to take it. Hindi ko siya kayang tingnan nang gano'n. Bakit kasi hindi pa siya gumigising? Wala na akong maintindihan, Jax. Ang sakit... sakit na kasi..." I uttered and cried so hard.

Wala na akong ibang marinig kundi ang hagulhol ko sa maliit na chapel na iyon. Nag e echo iyon at halos sumigaw na ako sa sobrang sakit. Pakiramdam ko ay nasusunog ang dibdib ko sa sobrang sakit. Mula nang ilipat si Ria sa ICU ay hindi ko pa pinuntahan ito dahil hindi ko talaga kaya. Ilang beses na nila akong pinilit ngunit hindi ko talaga kaya.

After some minutes, I felt Jaxon attend to me and hug me tightly. I heard nothing from him, only my groans cover my ears. Ilang minuto pa kaming nanatili roon hanggang sa napagdesisyunan kong puntahan si Levi sa kwarto nito. I was about to open the door when I heard voices inside the room kaya hinayaan ko munang marinig ko iyon.

"She's just a threat to you, son. Puwede kang maging ama sa anak mo nang wala siya! You don't understand where I'm coming from. Noong huli kang nabaliw sa babae ay halos kalimutan mo ang responsibilidad mo sa kompanya!"

It was Levi's dad. Dinig ko sa tono ng boses nito ang labis na galit na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Tila nakikipag-away sa anak niya.

"She's not a threat to me, dad. Astraea is the mother of my child and I will marry her no matter what happens. Hindi ko kailangan ng opinyon ninyo tungkol sa buhay ko," mariin na sagot ni Levi sa tono ng nanggigigil.

Sunod na narinig ko ang kung anong kalabog sa loob ko kasabay ng kalabog sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano iyon pero parang may natumba o ano kaya naman nagdesisyon na akong pumasok sa loob nang dahan-dahan. Huminto lamang ako sa wall roon kung saan hindi nila ako makikita.

"I can see how crazy you are for that woman! Tingin mo ba ay kaya ka niyang panindigan gano'ng iniwan ka na niya noon—"

"Yes, she is!" Levi shouted.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now