Kabanata 22

529 10 0
                                    

Kabanata 22

Star

"When was the last time we saw each other? I missed you." Salubong niya sa'kin nang makapasok ako sa bar kung saan ang mini celebration ng birthday ni Rafaella.

Inirapan ko lamang siya at tinapik sa balikat niya saka pabagsak na naupo.

"Last week lang, Jax. Huwag kang OA," natatawa kong sagot sa kaniya at tiningnan lang siyang tumabi sa'kin.

Inilibot ko ang pangingin ko sa buong paligid. Rafa rent this VIP room for us dahil mas gusto niya ang view dito sa second floor. Aside from its blue light, its aura is also light. There were few sofas surrounding the middle where we were seated and in front us was a band playing. Slow lang ang itinutugtog ng mga ito.

"How are you? I heard malapit nang magkaroon ng movie adaptation 'yong huling librong sinulat mo." Jaxon started the topic between us while we were waiting for them.

Napaaga yata kami ng dating dahil wala pa rin sila rito. Para tuloy kaming tangang dalawa rito. Mabuti na lang ay iilan lang ang guest sa room na ito dahil VIP nga.

I smiled at him and look at the band in front of us. They are now playing some songs I didn't even know pero pakiramdam ko ay nasasabayan ko ang tema no'n.

"Yeah, and thanks to you," nahihiya kong sinabi sa kaniya.

Pasimple ko siyang tiningnan. Napansin kong seryoso rin siyang nakatingin sa bandang tumutugtog. I could clearly see the perfect shape of his nose because he was facing to the front. His aura and appearance are different now. Sumisigaw ang matured nitong awra na lalong nagpagwapo sa kaniya. Bumagay ang gupit niyang medyo mahaba sa tuktok at gulo-gulo. The last time I saw his playfulness was five years ago. Ang tagal na pala.

After staring at him for a minute, he suddenly tilted his head to face me. He genuinely smiled at me and rested his arm on the back of my chair.

"You earned it and you deserved it, Rae. The reason why you're my favorite author," marahan niyang sambit sa'kin.

Bago pa ako makapag-react ay may tumapik na ng balikat ko at sunod na narinig ko ay ang ingay nila. Nabaling na lang ang tingin ko sa kaharap naming sofa nang sunod-sunod na umupo roon sina Rafa, Sebastian, Yerim, and Lucas. Muntik pa akong manibago dahil sa mga itsura nila.

"Finally! Nice to see you again, Rae! We missed you!" Yerim shouted at sinugod ako ng yakap.

"Buti naman at umuwi ka na. Kailan ka pa nasa Manila?" Rafa greeted me and gave me a kiss on my cheek. Napansin ko pa ang pagngisi nito kay Jaxon.

"Kahapon lang. I needed to finish my last task first before Mr. De Silva let go of me," pairap kong sagot sa kaniya at bumaling kay Sebastian.

"Miss ko na ang kape mo." Bati ko sa kaniya na tinawanan lang niya.

"Naroon pa rin 'yon, hinihintay ka," makahulugan niyang sinabi sa'kin saka humalakhak. Inirapan ko lang siya at bumaling sa katabi ni Yerim.

"The boyfriend?" I asked her as I smiled.

"Yes! This is Lucas, I know kilala mo na siya and finally, na-meet niya na ang isa't isa," Yerim happily said to me as she introduced her boyfriend to me.

"And Jaxon, huh? Magkasama ba kayong umuwi?" Rafa asked me kaya agad akong umiling.

Isa-isang nagsidatingan ang alak at pagkain sa table namin kaya nagsimula na kami.

"Nauna ako. I want to spend more time with them pero pinauna na niya akong umuwi," Jaxon uttered which made me look at him.

I furrowed my forehead to him.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant