Kabanata 34

463 9 0
                                    

Kabanata 34

Overheard

The other day was so hard to analyze for me. I can't even focus on the taping of the movie dahil okupado ang isip ko ng mga nalaman ko mula kay Jaxon. Gusto kong tanungin si Levi tungkol sa bagay na 'yon ngunit ayokong sirain kung ano ang nangyayari ngayon. Ayoko nang magkasira muli kami pero hindi ko maiwasang isipin nab aka alam niya. Na baka isa sa mga rason niya kung bakit niya ako nilapitan. Guilt trip kung baga. Kung ganoon ang sistema ay hindi ko na alam kung paano ko pa dadalhin ito.

"Ayos ka lang ba? You've been preoccupied since that day you talked to Jaxon. Ano bang sinabi niya sa'yo?" Rafaella asked me one morning before we head to the farm.

Doon kasi gaganapin ang next scene ng movie. 'Yong oras kung saan naligaw ang bida at napadpad sa kubo na iyon. It was me. Hindi ko alam kung bakit detalyado masyado ang ginawa ko. Nababaliw na yata ako. Nahihiya tuloy ako sa tuwing tinitingnan ako ng lahat ng nakakaalam na true to life story ko 'yon. Parang inilahad ko sa kanila ang mga kalandiang nangyari sa Tierra Fima.

"Wala, Raf. Naguguluhan lang ako, hindi ko kasi alam kung kanino ako maniniwala," tamad na sinabi ko sa kaniya.

Sabay kaming huminto sa reception area ng hotel dahil hinihintay pa namin ang iba. Si Levi ay maagang umalis patungo sa bayan kasama si Tatay Henry.

"Ano bang sinabi niya sa'yo?" she asked me again.

I heaved a sigh and looked at her.

"Iyong bumangga kay papa... Jaxon told me that it was Levi's dad," I confirmed it to her.

Kita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Ilang segundo pa siyang nanahimik hanggang sa bigla na lang niya akong tinapik sa braso.

"Why don't you ask Levi? Baka may alam siya," she suggested.

I shook my head and look away from her.

"Ayoko, Raf. Paano kung alam niya nga simula pa lang?" wala sa sarili kong sinabi sa kaniya.

"And so? Kaya nga tatanungin mo, e. Kung may alam man siya, then—"

"I don't want to ruin things anymore, Raf. Alam kong hindi ko kayang intindihin lahat kaya ayokong magkasira na naman kami. Mahal ko si Levi," I stated. My voice broke.

Bigla kong naalala ang mga narinig ko nang gabing kausap niya si Hoseah. What he told her, kung ano ang mga sinigaw niya nang gabing 'yon sa babaeng minsan niya na ring minahal. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya niyang sabihin iyon at sa babaeng 'yon pa. Hindi ko alam kung paano siya sa ibang tao, kung paano niya ito pakitunguhan noon. Lamang ba ako sa kanila? Anong lamang ko?

"You should still talk about it with him, Rae. Sabihin mo kung anong bumabagabag sa kalooban mo para maintindihan ka rin niya. Sa ganiyan kayo nasira dati, so better talk about it with him," seryoso niyang sinabi sa'kin.

Napatango na lamang ako. Maya-maya pa ay dumating na ang ibang staff kaya tumungo na kami sa mismong farm ng Tierra Fima. While I was walking inside the farm, pansin ko ang paninitig sa'kin ni Marcus sa 'di kalayuan. Siya 'yong bidang lalaki sa movie. Ilang araw na akong kinakausap nito na tila kinukuha ang loob ko kaya nakaramdam ako ng pagkailang sa kaniya. Hindi naman ako sigurado pero mas gugustuhin kong maging assuming na lamang. May iilan kasing balita tungkol sa lalaking ito.

My phone beeped suddenly while I was standing under the big tree. Nang tingnan ko iyon ay binasa ko agad nang makita kong si Levi ang nag text.

Levi

I'm on my way there. I got your food. Where are you?


Awtomatikong napangiti ako nang mabasa ko 'yon at agad na nagtipa ng reply sa kaniya.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now