Kabanata 1

2K 25 3
                                    

Kabanata 1
She writes

"Kailangan ko ba talagang sumama?" Tanong ko sa mga ito habang pinagmamasdan silang abala sa pag-iimpake ng kani-kanilang dadalhin.

Umupo ako sa gilid ng kama ni Rafa at pinagpatuloy ang panunuod sa kanya. "Bakit ba kasi kailangan ng trip na ganito? Hindi ba puwedeng mag trabaho na lang tayo?" Dagdag ko pa.

Matalim ang tingin ni Rafa nang bumaling ito sa 'kin. "It's a free trip, Rae. Ano bang inaarte mo diyan? Mag impake ka na," naiirita nitong sagot sa 'kin.

"Isa pa, ayaw mo bang magpahinga? Ikaw na ang nagsabi na kailangan mo ng pahinga dahil sunod-sunod ang submission natin noong nakaraan. Libre naman 'to," dagdag pa ni Yerim.

Napanguso na lamang ako saka tumayo mula sa kinauupuan ko. Nagsimula akong iligpit ang mga gamit ko habang tahimik na pinapakinggan ang dalawang ito na sobrang excited para bukas.

It's a one week trip patungong Surigao. Hindi ko alam kung anong trip ng head namin sa pagbibigay ng ganitong klaseng vacation trip. Hindi ko lang matandaan kung nabanggit ito noon sa 'kin ni Yerim bago ako mag-apply sa company. May staff house, malaki ang sahod, at tuwing anniversary ng company ay nagbibigay sila ng libreng bakasyon para sa mga matatagal nang empleyado ng kompanya at kasama kami roon. Hindi ko naman akalain na makakasama ako sa mapipili dahil dalawang taon pa lang naman mula nang magsimula akong magsulat para sa kompanyang ito. Siguro ay dahil nakuha ko ang top writer of the month noong nakaraan kaya naisama ako sa listahan. Balak ko pa namang umuwi na lamang sa 'min para doon na lang magpahinga, pero kung tutuusin hindi na rin masama ito dahil libre naman.

"'Yan na ba lahat ng gamit mo?" May pagtatakang tanong sa 'kin ni Yerim saka hinalungkat ang laman ng maleta ko.

"Eh? Bakit?"

"My god, Rae! Ilang taon ka na ba at puro pang manang ang mga damit mo? Wala ka bang ibang damit bukod sa mga 'to?" Aniya na may halong pandidiri sa tono nito habang isa-isang ini-scan ang mga damit ko.

"What do you expect, e manang naman talaga manamit ang isang 'yan," dagdag pa ni Rafa saka iiling-iling na pinasadahan ng tingin ang mga damit ko.

"Okay na 'yan. Sabi mo ay magpapahinga lang nama—"

"Hindi ba nasabi sa'yo na private resort ang pupuntahan natin? Oh god!" Bulyaw niya saka bumaling sa 'kin ng tingin.

Nailing na lamang siya saka kinuha ang bag at phone nito. She immediately grabbed my hand and went outside. Hindi na ako nakaangal pa dahil dire-diretso na kaming sumakay sa taxi.

Pasado alas sais na nang makabalik kami sa staff house dala ang mga pinamili naming damit at pagkain. Yerim is the kind of woman na hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto kaya naman nang siya na mismo ang pumili ng mga iilang damit at swim suit para sa 'kin ay wala na nga akong nagawa. Noon pa man ay inirereklamo na niya ang pananamit ko na hanggang ngayon din ay hindi ko maintindihan. Wala namang masamang magsuot ng skirt na lagpas sa tuhod at long sleeve na blouse. Dito ako komportable kaya lahat ng klase ng damit ko ay pare-pareho.

"Next time, I'll tell Arturo to teach you how to wear classy clothes. Mas marunong pa ang isang 'yon sa'yo, e." Singhal niya sa 'kin na ang tinutukoy ay ang nakababata kong kapatid.

I laughed. "Kung narito iyon ay sinabunutan ka na non dahil sa tawag mo sa kanya."

Art is just 15 years old. Kung nabubuhay pa si Papa ay sigurado akong hindi nito magugustuhan ang piniling landas ng nakababata kong kapatid. Mabuti na lamang ay suporta si Mama sa lahat ng gusto niya kaya naman malaya nitong nagagawa ang lahat. Ilang taon na lamang at matatapos na ito ng high school. Nang mamatay si Papa dahil sa isang aksidente ay nagdesisyon akong magtrabaho na agad para masuportahan ang pag-aaral nito. Mabuti na lamang at ipinasok ako ni Yerim sa kompanya kung nasaan kami ngayon at agad na natanggap.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now