Kabanata 38

418 9 0
                                    

Kabanata 38

Reasons

How can something be defined as too much? When it hurst too much the pain starts to feel numb? When too much happiness hurts big time? As song once said, too much love will kill you, and maybe it's fucking true because that's how I felt when Levi decided to make it official. Akala ko ay iyon na ang official proposal niya sa ospital, mayroon pa pala.

"Ganiyan lang ang suot mo?" Tanong sa'kin ni Rafa nang makalabas ako mula sa kwarto ng unit ko.

Nang ilibot ko ang tingin sa paligid ay puro kalat ang nakita ko dahil nag-aayos na rin silang dalawa.

Tiningnan ko ang sarili ko mula sa malaking salamin. Napasulyap pa ako kay Yerim na nakataas ang kilay habang nakatingin sa'kin. Sigurado akong may sasabihin na namang hindi maganda ang babaeng ito.

"Nakakadiri naman 'yang suot mo, Rae. Akala ko ay marunong ka na sa fashion? Engagement party ang pupuntahan mo at ikaw mismo ang maeengage. Bakit ka ganiyan?" Puno ng iritasyon na sinabi nito sa'kin at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.

Napanguso ako habang nakatingin pa rin sa sarili ko. I decided to wear maxi dress at naglagay lang ng light make up kanina bago lumabas mula sa kwarto.

"Hindi ba maayos 'to?" Nakanguso kong tanong sa kanila.

"Maayos siguro sa paningin mo, Rae, kasi wala kang sense of fashion. Magpalit ka. Parating na si Sebastian, hintayin mo na." Si Rafa ang sumagot kaya lalo akong napasimangot.

"Wala naman kasi akong susuotin—"

"Ngayon mayroon na. Here," putol ni Sebastian sa sasabihin ko na bigla na lamang sumulpot sa likuran ni Rafa.

Mabilis kong nilingon ito at nakita ko agad ang malaking kahon na hawak niya. Kibit-balikat niyang inabot sa'kin 'yon kaya nangunot ang noo ko.

"Ano 'to?"

"Pinadala sa'kin ni Levi. Suotin mo raw," nakangiti nitong sinabi sa'kin.

Nahihiyang inabot ko iyon mula sa kaniya. Pansin ko rin ang mabilis na paglapit sa'kin ni Yerim at Rafa nang buksan ko ang box. Isa iyong red long evening gown na lantad na lantad ang likuran. Ang slit no'n ay hanggang legs at off-shoulder pa. V-neck and style at sigurado akong yayakap ito sa katawan ko.

"Suotin mo na! Bilis! Baka ma-late pa tayo niyan," pagmamadali sa'kin ni Yerim bago pa ako magreklamo.

Kamot-ulo kong kinuha ang box na 'yon at bumalik sa kwarto ko upang magpalit. Nang tuluyan ko nang maisuot ito ay doon ko lamang nakita ang totoong ganda ng gown na iyon. Saktong-sakto iyon sa'kin kaya halos ma-inlove ako sa sarili ko habang pinagmamasdan ko ito sa harapan ng salamin. Tama nga ako dahil yumakap nga ito nang mabuti sa katawan ko ngunit hindi ako sigurado kung magiging komportable na ako dahil nakalitaw ang dibdib ko.

"Rae! Bilisan mo na!" Dinig kong sigaw ni Yerim sa labas.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at saglit pang tinitigan ang sarili. Matangkad naman ako kaya maganda tingnan ito ngayong suot ko. Hinayaan kong bumagsak ang buhok kong hanggang baywang at nagsuot na rin ng heels na babagay sa kulay ng gown na ito. Pagkatapos ay nag-aalangang lumabas na ako.

Yerim and Rafa focused their gaze onto me. Napataas ang kilay ng mga ito at may kakaibang ngiti sa labi nila.

"What?" I asked them. "Hindi talaga ako sanay. Sino ba kasi ang pumili nito at masyadong—"

"Si Levi ang pumili niyan syempre. He knows what dress will suit you even your size, huh. That gown is a bomb, Rae," Rafaella uttered at mabilis akong nilapitan.

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now