05 - My savior Helix

32 3 0
                                    

Labis akong nagulat sa sinabi ni Franz, pinapababa niya ako ng kotse? balak niyang paglakarin ako pauwi?

Mahirap makahanap ng masasakyan pauwi sa mansyon sa lugar na iyon at kung meron man akong mahanap ay wala naman akong kadala dalang pera pambayad sa pamasahe.

Ano bang nangyari kay Franz? alam kong di magaan at puro poot at galit ang nararamdaman niya sa amin ni inay, pero parang sobra naman ata siya na paglakarin ako pauwi.

"Di mo ba ako narinig? sabi ko bumaba ka sa kotseng ito!" ma awtoridad na sambit ni Franz.

"pero sir Franz, baka magalit po ang inyong ama kapag nalaman niyang iniwan natin si Rowen sa kalsada at pinaglakad pauwi" saad ng aming driver na si manong george.

"kung may magsasabi kay dad, tayong tatlo lang naman ang nakakaalam di ba? sa oras na malaman ito ni dad, di ako mangingiwing ipatanggal ka sa trabaho" saad ni Franz kay manong George na ikinatahimik nalang nito.

"p-pero Franz, nagbibiro ka lang hindi ba?" nasabi ko nalang dahil may kalayuan pa talaga ang mansyon mula dito sa kinaroroonan namin.

"Hirap mo din makaintindi eh no? bababa ka sa kotseng ito o gusto mong ipakaladkad kita?!" lalong pagpupuyos ng galit nitong si Franz.

Napatingin ako kay manong George, at malungkot na pagtitig lang ang ginawad nito sa akin.

Wala na akong nagawa kundi bumaba sa kotseng iyon at pagkababa ko ay bigla nalang sinipa ni Franz ang pink na bag ko na bigay sa akin ni inay dahilan upang mahulog ito sa lupa.

"napaka bagal!!! Tara na, gusto ko ng makauwi" saad ni Franz kay manong george na agad naman niyang isinara ang pintuan ng kotse na binabaan ko.

Pinagmasdan ko lang umandar yung kotse palayo mula sa kinatatayuan ko.

Pinulot ko ang aking pink na bag mula sa lupa at pinagpagan ko ito, bagong bili lang sa akin ito ni inay, tapos nadumihan na agad.

Gusto kong maiyak ng mga panahon na yan, pero pinigilan ko nalang ang aking sarili at pilit na tinatagan ang aking loob.

Inisip ko nalang na sana, ay dumating ang oras na gumaan din ang loob sa akin ni Franz at kuya Frederick, kahit alam kong napaka imposible nito dahil sa sitwasyon.

Pero kung ito lang ang ikakagaan ng kanilang pakiramdam upang kahit papaano ay maibsan ang galit nila sa amin at sa sakit na nararamdaman nila, dahil sa pagiging kabit ni inay ng kanilang ama, ay tatanggapin ko nalang.

Sinimulan ko nalang maglakad pauwi ng mansyon, buti nalang at may pagkakataong lumililim ang kalangitan kapag may napapadaan na ulap, kaya minsan ay naiibsan ang init na tumatama sa aking balat kapag tumatapat ang sinag ng araw.

Sa aking paglalakad ay nagulat nalang ako ng may tumawag sa aking pangalan.

"huy Arc!!!" sigaw ni Helix habang padyak ang kanyang bisikleta patungo sa aking kinaroroonan.

Agad itong huminto sa pagbibisikleta ng tumapat ito sa kinaroroonan ko.

"bakit naglalakad ka? di ba sinundo ka ng kotse kanina?" labis na pagtataka ni Helix.

Gusto ko man sabihin sa kanya ang nangyari ay tiyak di din naman niya maiintidihan, di nalang ako nakatugon, bagkus ay bigla nalang pumatak ang luha sa aking mga mata na bigla naman na ikinabahala ni Helix.

Sa pag aalala ni Helix ay agad itong bumaba ng kanyang bisikleta at sinuri ako.

"uy Arc, bakit ba bigla ka nalang umiiyak diyan? baka naman isipin ng mga makakakita sa atin ay may ginawa ako na kung ano sayo" saad ni Helix sabay kuha ng kanyang bimpo at punas sa aking pisngi na dinadaluyan ng aking luha.

Aahon ako sa LusakOn viuen les histories. Descobreix ara