11 - Mahal kong Ina

37 3 2
                                    

Sadyang napakalungkot na balita ang aking natanggap.

Di ko alam kung paano nangyari at kung bakit nakunan ang aking inay.

Ang masaklap pa ay ni hindi ko man lang nakilala ang aking magiging kapatid, ni hindi man lang niya nasilayan ang aming mundong ginagalawan.

Sabi ng doktor ay swerte daw at nailigtas nila si inay, dahil halos bawian na din daw ng buhay ito nung mga panahon na siya ay nasa loob ng emergency room.

Pero bandang huli ay lumaban pa rin si inay para magpatuloy sa buhay.

Paano na lamang ako kung pati ang inay ay mawawala? tiyak na masidhing kapalaran ang nag aantay sa akin pag nangyari iyon.

Nalaman din ni sir Franco ang nangyari, lubos siyang nagdalamhati dahil sa pagkamatay ng aking nakababatang kapatid.

Ang matagal na niyang inaasam asam at pangarap na magkaroon ng anak na babae ay naglaho ng ganun ganun na lang.

Pero laking pasalamat pa din ni sir Franco sa diyos dahil ligtas ang aking ina, pinilit pa din niyang maging positibo sa kabila ng nangyari.

Pero akala ko ay ang pagkamatay ng aking magiging kapatid ang masakit na aking mararanasan ay nagkakamali pala ako.

Makalipas ang dalawang linggo ng maiuwi nila sir Franco ang aking inay sa mansyon at dito nalang daw ipagpapatuloy ang kanyang pag papagaling.

Laking tuwa ko dahil makikita ko na ang aking inay nung panahon na iyon, di kasi ako pinayagan na bumisita sa hospital at para daw iyon sa ikabubuti ko.

Sinunod ko na lamang sila at nagtiis na hindi makita ang inay ng mga nagdaang araw na iyon.

Pero nung araw na iyon? pagkakita ko pa lang kay inay ay tila may naramdaman na akong kakaiba, na tila ba may mali.

Pagtapak pa lang ni inay sa loob ng mansyon ay tila inililibot lang nito ang kanyang mga mata na tila napakalaking paninibago nito sa kanyang paligid.

Tinawag ko siya pero tila hindi man lang nito narinig ang aking boses at patuloy lang na nagmamasid sa kanyang kapaligiran.

"ang mabuti pa Rowen ay lapitan mo ang inay mo, tiyak na sabik din siyang makita ka" saad ni mam Faith na nasa aking tabi, tiyak na ramdam niya ang lubos kong pangungulila sa aking ina.

Agad kong nilapitan ang aking ina para ito ay yakapin.

Pero, labis ang aking pagtataka nang hindi man lang tugunin ni inay ang aking yakap, na tila ba hindi ito nasasabik sa aking presensya.

"nasaan ang anak ko?" mga katagang lumabas sa bibig ng aking ina.

"Maricar? ayan ang anak mo, si Rowen, nakayakap sayo" pagpaliwanag ni sir Franco na labis din ang pagtataka na bumabalot sa kanyang isip.

Maigi akong tinitigan ni inay habang nakayakap ako sa kanya.

Nagulat na lamang ako ng bigla akong itinulak palayo ng aking ina.

"nasaan ang anak ko? Franco? gusto kong makita at makasama ang anak ko, nasaan na ba siya? di ba dapat ay kalong ko siya sa aking mga bisig? nasan na siya? di naman natin siya naiwan sa hospital hindi ba?" naluluhang sambit ng aking inay.

Labis ang aking pagkagulat sa ginawang pagtulak sa akin ni inay, na tila hindi ako nito kilala.

Bakit ganon? ano ang nangyari sa aking ina?

Labis din ang pagkabigla na bumakas sa mukha nina sir Franco at mam Faith sa nangyari.

Maging sila ay di din maipaliwanag kung bakit ganon ang tinuran ng aking ina sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Aahon ako sa LusakWhere stories live. Discover now