04 - Arc Rowen

33 3 2
                                    

Bagong umaga ito sa amin ni inay sa mansyon na iyon, maaga niya akong ginising dahil simula na ng pasukan sa bago kong eskwelahan.

Mas pinili kong mag aral nalang sa pampublikong paaralan kaysa sa suhestiyon ni sir Franco na pag aralin ako sa private school kasama ang dalawa niyang anak na sina Franz at kuya Frederick at maging ni kuya Joaquin.

Di na ako pinilit pa ni sir Franco, susuportahan nalang daw niya kami ni inay sa kung ano at saan kami komportable.

Kung itatanong niyo naman si tita Stella? di naman siya gumagawa ng kung anumang iskandalo at masama sa amin ni inay.

Simula nung nag usap sila ng asawa niyang si sir Franco ay nanahimik siya at panaka naka lang namin itong nakikita, sa laki ba naman ng mansyon ay pupwede kaming hindi magkitaan.

Buti iyon, lalo pa at buntis ang aking ina, makakasama sa kanya ang stress na maaaring idulot ni tita Stella pag nagkataong hindi ito nanahimik.

Pero minsan napapaisip ako, na baka nag aantay lang yan si tita Stella ng pagkakataon para sa amin ni inay gaya ng sa mga napanood ko na telenobela.

Wag naman sana.

Agad na akong naligo at nagbihis ng aking uniporme para sa paghahanda sa pagpasok ko ng eskwela.

Naupo ako kaharap sa malaking salamin at doon ay inayos ko ang aking sarili.

Maputing balat na kutis porselana gaya ng sa aking ina, may pagka foxy na kulay ash grey na mga mata na minana ko naman sa aking ama, matangos na ilong, nakakaakit na may kakapalan na mamula mulang labi at hugis ng mukha na halos kasing hulma sa aking inay.

Siyempre kay inay ako pinaka nagmana lalong lalo na sa kagandahan.

Oo, ang salitang maganda ang deskripsyon ko sa aking sarili.

Bata palang ay napansin na ni inay na nagtataglay ako ng puso ng isang babae, sa mga kilos ko palang na may pagkamahinhin at pino, sa mga choice of toys at maging sa kulay, malayong malayo sa lalaking anak na iniisip nila.

Tanggap naman ako ni inay at kinalaunay natanggap naman din ako noon ni itay, biniro pa nga nila ako na proud sila dahil may 2-in-1 na silang anak, may lalake na may babae pa.

"Rowen anak, baka mahuli ka na sa eskwela sa pagbababad mo diyan sa salamin, mag aalmusal ka pa, o eto, binilhan kita ng paborito mong pink na bag" saad ng aking ina at natuwa naman ako nang ipinakita sa akin ni inay ang bag na surpresa niya.

"thank you inay" pagkagalak ko sabay halik ko kay inay sa pisnge.

"o sige na pumunta ka na dun at baka mahuli ka pa, good luck anak" saad ni inay sabay himas sa aking pisngi.

Kasabay kong nag agahan sina Franz, kuya Frederick at kuya Joaquin.

Gaya ng inaasahan ay katahimikan lang ang bumalot sa amin at tanging si kuya Joaquin lang ang bumati sa akin ng good morning.

"o mga bata, tara na, baka mahuli na kayo sa eskwela" pag bungad ni sir Franco na bihis na bihis sa semi formal attire nito, papasok na din kasi ito sa kanyang kumpanya.

Sabay sabay kaming inihatid ni sir Francis gamit ng kanyang kotse, gusto niya daw kasi na siya ang maghahatid sa amin tuwing umaga, lalo na kina Franz at Frederick para daw napapaalalahanan niya pa din ang mga ito.

Nauna akong bumaba dahil mas malapit ang eskwelahang pinapasukan ko kaysa sa tatlo.

"mag iingat ka Rowen, good luck sa first day, antayin niyo ang pagsundo sa inyo mamaya ha?" pag papaalala ni sir Franco.

Aahon ako sa LusakWhere stories live. Discover now