08 - Pagkilos ni Stella

27 3 2
                                    

Lumipas ang mga araw, at naging maayos at tahimik naman ang lahat.

Di naman nasundan pa ang ginawa sa akin ni Franz dahil tila umiiwas din siya sa akin, di pa din siguro mawala sa isip niya ang nangyari.

Buti na siguro yun, para iwas gulo nalang.

Tahimik at payapa ang mga nagdaan pang buwan para sa amin ni inay, at talagang todo alaga at atensyon ang ibinibigay sa kanya ni sir Franco.

Pagka walang pasok sa opisina si sir Franco ay halos hindi na siya mahiwalay kay inay, minsan sa kwarto lang namin siya ni inay, minsan aayain niya kami na lumabas sa mall, o kaya naman ay ililibot niya kami sa mga lugar na may magagandang tanawin.

Kung titignan para kaming isang masayang pamilya.

Pamilya na di ko akalain na maaasam pa namin ni inay matapos ang pag iwan sa amin ni itay.

Pero sabi nga ng iba, may mga kaligayahan na panandalian lamang.

Akala namin ni inay ay wala na kaming dapat ikabahala, pero nung sumapit ang ika-walong buwan ng pagbubuntis ni inay ay biglang kinailangan ni sir Franco na pumunta ng ibang bansa para sa kaniyang negosyo.

"wag kang mag alala, mamadaliin kong tapusin ang mga trabaho doon para makabalik agad ako dito" paninigurado ni sir Franco sa aking inay.

"mag iingat ka doon ha? mamimiss ka namin" saad ni inay sabay yakap ng mahigpit kay sir Franco.

"wag ka nang malungkot, tatawagan naman kita parati, at saka ibinilin ko kay manang Sita na tutukan ka niya ng maigi" saad pa ni sir Franco.

Di naman na tumugon ang inay, bagkus ay mas niyakap lang niya ng mahigpit si sir Franco.

Kinabukasan.

Ito ang umaga na walang sumalubong na sir Franco sa amin ni inay upang kami ay gisingin.

"good morning anak" pagbati sa akin ni inay sabay halik sa aking noo.

"good morning inay" tugon ko naman sabay yakap ng mahigpit sa aking ina.

"Rowen anak, mag aaral ng mabuti ha? para hindi ka magaya kay nanay na walang narating sa buhay at minamaliit dahil sa di ako nakapagtapos ng pag aaral, gusto kong maging matagumpay ka sa buhay at makamit mo ang mga pangarap mo, achievement na din yun para kay nanay kasi alam kong napalaki kita ng mabuti at maayos sa kabila ng mga pinagdaanan natin" pagpapaalala sa akin ni inay.

"opo inay, mas gagalingan ko pa po at pagbubutihin ang pag aaral ko po, di ko po kayo bibiguin" tugon ko kay inay sabay yakap ko ulit ng mahigpit.

"alam mo nak, natutuwa din ako kasi nakatagpo ka ng mabait at totoong kaibigan gaya ni Helix, pahalagahan mo yung pagkakaibigan niyo, kasi bihirang makatagpo ng totoong kaibigan sa panahon ngayon" saad pa ni inay habang nakayakap ako sa kanya.

Sa gitna ng pag uusap namin ay may bigla naman kumatok sa aming pintuan.

Tiyak na si manang Sita ito, kaya nagpresenta ako kay inay na ako na ang magbubukas ng pinto.

Pero laking gulat ko ng buksan ko ang pinto ay ibang tao ang nakita ko.

Tumambad sa akin ang mukha na sumisimbolo sa galit, poot, inggit at kasakiman.

Sabi ko na nga ba, gaya ng mga napapanood namin ni inay sa telenovela, ang mga taong katulad nito ay nag aantay lang ng tamang pagkakataon para maisagawa ang kanyang plano.

Hinawi ako nito ng may kalakasan para makapasok siya ng lubusan sa aming silid.

Labis din ang pagkagulat ni inay ng makita ang pagpasok ni tita Stella at ang pagtulak na ginawa nito sa akin.

Aahon ako sa LusakWhere stories live. Discover now