07 - Hilahang Lubid

26 3 0
                                    

Nagulat ako ng aking lingunin ang boses na nagsalita sa aking likuran.

Blankong ekspresyon ng mukha at mga matang nakatitig sa aking kabuuan, yan ang ginawad sa akin ni Franz na labis kong ikinabahala.

Tila kagigising lamang nito, dahil sa gulo gulo nitong buhok at may pagka antok pa na mga mata.

Gusto ko nalang umalis at umiwas nung mga panahon na yan, pero alam kong hindi iyon hahayaan ng lalaking nasa harapan ko.

"nagpaalam naman ako kay sir Franco na maglalaro kami ni Helix" saad ko na hindi na natapos pa ang sasabihin ko dahil sa biglang pagsalita ni Franz.

"i dont care if dad gives you permission, especially to your playmate, eh paano kung ayaw ko kayong maglaro dito? may magagawa ka ba?" tugon ni Franz na ikinayuko ko nalang.

Sa totoo lang, inaasahan ko na din na ganyan yung sasabihin ni Franz, wala naman akong magagawa dahil sampid lang naman kami dito sa mansyon, tanging pag iwas lang naman ang pagpipilian ko.

Naisip ko nalang na dun na lamang namin ipagpatuloy ni Helix ang paglalaro sa kwarto namin ni inay.

"s-sige, sa ibang lugar nalang kami maglalaro" saad ko at agad kong tinalikuran si Franz para puntahan si Helix at masabihan ito.

Pero bago pa man ako makaalis ay agad hinawakan ni Franz ang aking braso.

May kahigpitan ito kaya nakaramdam ako ng kaunting sakit.

"di pa ako tapos makipag usap sayo" saad ni Franz na pilit akong iniharap sa kanya.

"nasasaktan ako Franz" tanging mga katagang nasabi ko, masyadong malakas ang pwersa ni Franz at may kalakihan ang bulto nito kumpara sa akin, kaya parang patpat lamang ako sa kanya kung ako ay kanyang hawiin.

"akala mo porket nakatira kayo dito sa mansyon ay pwede mo nang gawin ang lahat?" saad ni Franz na mas lalong humigpit ang paghawak sa braso ko.

Masakit talaga ang paghawak ni Franz sa braso ko at napaluha pa ko ng mga panahon na iyan, tiyak na mag iiwan ng pasa sa parteng iyon.

"Franz, alam ko naman iyon, di mo na kailangan pang sabihin sakin" tugon ko at dahil sa hindi ko na talaga matiis ang sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko ay buong pwersa ko itong binawi para makawala sa mapanakit niyang kamay.

Tila nagulat naman si Franz sa ginawa ko.

Pero lalo lamang itong nagpapuyos ng kanyang galit

"tignan ko kung hanggang saan ang tapang mo" saad ni Franz at bigla nalang ako nitong hinila.

"ano ba Franz! saan mo ako dadalhin?!" pag aalala ko habang hila niya ang kamay ko, mas malakas pa ang pwersang ginawa niya ngayon.

Pilit akong kinakaladkad ni Franz papunta sa loob ng mansyon, di ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip na gagawin sa akin, pero nasisiguro kong hindi ito maganda.

Kaya naman kahit gaano pa kalakas si Franz ay pinipilit ko pa din na makawala sa kanyang mga kamay.

Para kaming naglalaro ng tug of war, na ang tanging hinihila lang naman ay mga kamay ko.

Sa pagpupumiglas ko ay bigla naman akong nakahanap ng pagkakataon para makawala sa mga galamay ni Franz.

Yun nga lang sa sobrang lakas ng pwersa na iyon ay tila nahagis ako ng paatras at tumilapon ako sa swimming pool.

Hindi ako marunong lumangoy, at ang masaklap pa dito ay nasa malalim na parte ako ng pool na iyon.

"Franz!!... tulong... di ako.. marunong lumangoy!" paghingi ko ng tulong na pilit kong iniaahon ang aking sarili wag lang akong malubog ng tuluyan sa ilalim ng tubig.

Aahon ako sa LusakWhere stories live. Discover now