10 - Friends and Tragedy

26 3 2
                                    

Lumipas ang tatlong linggo sa buhay namin ni inay dito sa mansyon.

Walang ka ide-ideya si sir Franco sa kapalarang sinasapit namin ni inay sa mga kamay ni tita Stella, di nalang nagsumbong si inay dahil tiyak na lalaki lamang ang gulo pag nagkataon.

Nang ganoon kadali, napaikot ni tita Stella ang kapalaran namin sa kanyang mga palad.

Kahit kay don Fausto ay sinabi pa ni tita Stella na si inay ang kusang nag presinta na tumulong sa mga gawaing bahay dito sa mansyon, kaya nagkibit balikat na lamang ang don sa mga nangyayari.

Nanatili nalang sunod sunuran ang inay sa kagustuhan ni tita Stella, di dahil sa takot siya sa maaaring mangyari kundi dahil alam niya na nasaktan niya ito sa pagiging kabit ni sir Franco, inisip nalang niya na kabayaran nalang niya ang gawin ito at marahil ay baka ito ang paraan niya para kahit papaano ay makabawi man lang.

Simula din ng ilang linggo na iyon ay ako na ang naglilinis sa kwarto ng magkapatid, tinutulungan lang ako ng isang kasambahay kapag magpapalit na ng kubre kama, mga kurtina at puspusang paglilinis ng banyo.

Si kuya Frederick ay isa o dalawang beses lang ako pinapalinis ng kanyang kwarto sa isang linggo.

Pero si Franz?

Ayun, sa di ko malamang dahilan ay halos apat o limang beses niya ako pinapalinis ng kanyang kwarto.

May mga panahon na halos nakatambay nalang ako sa kwarto niya.

Minsan, papatulungin niya ako sa pag gawa ng projects niya, tapos aayain niya akong manood ng mga anime movies, bigla din siyang magpapa food trip.

Pero minsan andiyan pa din yung totopakin siya na tila pinipilit nalang niyang iparamdam sa akin na galit at kinamumunghian niya pa rin ako.

Hanggang sa isang araw, mabilis kong tinapos ang paglilinis ng kwarto ni Franz dahil inaya ako ni Helix na maglaro sa batis sa Del Fuego farms.

Dahil natapos ko naman na lahat ang kailangan gawin ay libre na akong makipaglaro at nagpaalam naman ako kay inay na siya naman na pinahintulutan.

Ngunit bago ako makalabas ng mansyon ay tinawag ako ni Franz.

"saan ka pupunta Rowen?" pagtataka ko na agad ko naman itong nilingon.

Nakita ko naman na may hawak nanaman siya na malaking paper bag at tiyak ko na puro pagkain nanaman ang laman noon.

"inaya kasi ako ni Helix maglaro sa may batis, pero natapos ko naman na lahat ang kailangan gawin" tugon ko dito.

"pero bumili ako ng makakain natin, di ko ito kayang ubusin ng mag isa, tara na sa kwarto ko" tugon naman ni Franz na kababakasan ng panghihinayang ang mukha.

Tama ba tong naririnig ko kay Franz? parang kailan lang halos isuka ako nito sa tuwing makikita ako, pero ngayon halos nasa kwarto nalang niya ako maghapon? ano kayang nakain nito?

Ayokong isipin na magaan na ang loob nito sa akin at tanggap na ako nito, dahil sinusungitan pa din naman ako nito at pinapahirapan, lalo na pag tinotopak siya, Lakas din ng trip eh no?

Pero tiyak na kukulitin ako nito na bumalik sa kanyang kwarto, kaya naman naisip ko nalang siyang ayain sa batis para dun nalang namin kainin ang mga pagkain na hawak niya sa loob ng paper bag.

Tingin ko ay di pa niya nararanasan ang mag picknik kaya naman ilang saglit lang ay pumayag naman siya sa alok ko.

Habang nag aayos si Franz ay naghanda nalang ako ng banig, sapin, tissue, plastic cups, ilang kubyertos at tinidor, naghanda din ako ng pamalit na damit namin ni Franz at tuwalya dahil baka maisipan niya din na maligo sa batis.

Aahon ako sa LusakWhere stories live. Discover now