Pati matandang Nono ay pinagnakawan pa. Sa ganda ng kwintas matik hindj nanito ibabalik pa yun





"Sisimulan ko na, kuya. Manonood ka?"





Kumuha muna si Lucifer ng mauupuan saka sarkastikong sinagot ang tanong ng kapatid.





"Tingin mo, bakit ako nandito?"





Sinimangutan siya ni Night saka hinarap ng dalaga ang ginang. Nanahimik si Lucifer, tahimik na pinapanood niya lang ang ginagawa nh kapatid niya hanggang sa mabalutan na nga ng itim na usok ang huong paligid na may kaunting halong puti. Sinasabi na nga ba siya, tsk.





Kahit pa gaano kakapal ang usok na nakapaligid sa kanila, kitang kita ng mga mata niya ang ginagawa ng kapatid niya. Ipinikit nalabg niya ang mga mata niya dahil ang baliw niyang kapatid ay mas piniling gawin sa pinakanakakadiring paraan ang paglipat ng lakas niya sa katawan niya.





Walang awa kasi nitong winarak ang tiyan ng ginang na ngayon ay umaagos na ang dugo. Gamit lamang ang mahahaba at matatalim nitong kuko.





Ang amulet na hawak niya ay gianamit niya upang ipatong sa dibdib ng ginang, pinahinto nito ang pagtibok ng puso ng ginang. Mayroong isang oras ang dalaga, pagkatapos ng isang oras at hindj pa nito naisasara ang tiyan ng ginang mamamatay ito.





Sa nakikuta ni Lucifer, natutuwa at nawiwili ang kapatid niya sa ginagawa nito. Lalo na sa paghigop ng mga alaga nito.





"Baliw talaga ang babaeng 'to. Masyado siyang nawiwiwli sa ginagawa niya."






Makalipas ang limampung minuto hindi padin tapos ang dalaga. May nga pinagkukulikot pa ito sa loob ng katawan ng ginang. Napailing iling ang binata. Hindi niya pinakeelaman, may sampung minuto pa naman ngunit ng dalawang minuto nalang, tumayo na siya saka sinigawan ito.







"NIGHT! ISANG MINUTO NALANG!"





Mukhang natauhan na ang kaptid, dali dali nitong ginamot ang ginang. Pagkatapos niyon nawala ang usok na nakapalibot sa buong silid, malinaw na nakikuta ni Lucifer ang dugong tumutulo mula sa hinihigaan ni Ginang Belkins.




Dali daling sinalo ni Luci si Night ng bigla nalang itong manghina.





"Tigas kasi ng ulo. Tsk."






"K..kuya"





Yan ang huling sinabi ni Night bago siya tuluyang lamunin ng dilim. Mabilis na binuhat niya ang kapatid, sa bintana siya dumaan at tumalon talon mula sa mga gusali hanggang sa narating niya ang tagong lugar na sinadya niyang gawin para dito.






Mabilis siyang lumapit sa lawang sa sobrang lanig kung ikaw ay normal na tao lang tiyak na ikaw ay magyeyelo.




Mabilis na itinapon niya ang kapatid sa lawa. Kusang nahpailalim ang katawan ng kapatid niya. Nang masiguradong nasa pinakailalim na ito saka siya umalis.







"How's tita, dad?"






Yan kaagad ang tanong ng anak niya sa kaniya pagkarating niya. Nginisihan niya lang ang anak niya samantalang ang asawa naman niya ay tahimik lang.






Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon