CHAPTER 10: Outing

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kinilig naman yung isa dyan!" natatawang sabi ni Yvan kay Kyle dahil sa abot tenga nitong ngiti

"Buti nga sinusubukan niya mag aral! Hindi kagaya nitong nasa tabi ko na puro online games inaatupag! Sarap hampasin ng libro" sarcastic sabi naman ni Jessica habang naka tingin ng masama kay Joseph

"Bakit naman napunta sakin yung usapan?" gulat na tanong ni Joseph kay Jessica pero inirapan niya lang ito

"Kalma! Baka mamaya mag away na naman kayo" natatawang sabi ni Ernest sa kanilang dalawa

"Baby, aral na aral kaya ako!" natatawang sabi ni Joseph kay Jessica pero inirapan lang siya nito

"Asa naman na nag aaral ka talaga! Siguro kung paano mangopya ang inaaral mo!" mataray na sagot nito kaya nagtawanan lang kami

Nagpatuloy lang ang asaran hanggang sa balik aral na naman ang lahat. Kailangan talagang mag aral ang lahat dahil halos lahat samin ay mga top students.

Si Yvon at Yvan ang Top 1 and Top 2 sa sophomores samantalang kami naman ni Ernest ang Top student sa junior year.

"By the way, do you already have plans for the summer vacation?" curious na tanong ni Jess sakin kaya tumingin naman ako dito sa katabi ko

"Depende kung anong gusto mo" sabi naman niya sakin kaya ngumiti lang ako

"Can we all go on vacation abroad? Masaya kayang mag tour with friends " excited na tanong ni Jessica samin

"Maiwan nalang ako! Hindi ko afford yang mga ganyan!" biglang sagot naman ni Allyssa pero umiling lang kami ni Jessica

"Syempre kasama ka! Kailan ka pa ba namin iniwan! Magkaka dugtong na bituka nating tatlo! Kami ng bahala sayo" sabi ni Jessica tapos tumango lang ako kaya ngumiti lang siya

"Bakit kayong tatlo? Hindi ba dapat yang magkakapatid ang magkakadugtong ang bituka!" sarcastic na sabi ni Joseph kay Jessica sabay turo samin nila Yvan at Yvon

"Manahimik ka nalang!" seryosong sabi ni Jessica sa boyfriend niya kaya natawa kaming lahat

"Mahal na mahal niyo talaga ang isa't isa!" natatawang sabi ni Allyssa sa kanila tapos tumango si Joseph.

"She loves me so much! Patay na patay siya sakin" sagot ni Joseph sabay turo kay Jessica pero binatukan lang siya nito

"Kapal ng mukha mo" nandidiring sagot ni Jessica sa kanya kaya naman natawa lang si Joseph

Grabe mag bardagulan itong mag jowa! Nakakaloka!

"So it's settled! Were going out of the country this coming vacation!" excited na sabi ni Jessica kaya tumango lang kaming lahat

Wala naman kaming choice kundi sumunod sa gusto niga. Ni wala nga nag salita ni isa samin! Payag agad dapat kapag si Jessica ang may plano dahil tiyak na hindi drawing kapag siya ang nag plano.

She will do her best para matuloy yung mga bagay na gusto niyang mangyari.

"Ako na bahala sa airline and tickets! But before that we need to finalize first kung saan pupunta" sabi naman ni Andrey

"That's what I'm talking about! It's really fun having a friend like Andrey, who owns lots of airlines" tuwang tuwa na sabi ni Jessica kaya ngumiti lang si Andrey

Andrey's family is known for owning more than 10 airlines in Thailand, Japan, Korea, Mexico, Italy and here un the Philippines.

KYLE's POV:

Secretly Married to the Campus Prince 2 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon