Ramdam ko ang pag-init ng buong mukha ko lalo na nang nagtawanan ang lahat maliban lang sa'ming tatlo at kay Mari.

Oh, gods. Ano ba 'tong pinasok ko?!

"Can we talk later? I'll wait for you outside," marahan na sambit sa'kin ni Jaxon sa gitna ng tawanan ng lahat.

Hindi ako makatingin sa kaniya dahil alam kong maging si Levi ay nakatingin sa'kin. Hindi ko alam pero parang bigla akong naestatwa sa kinauupuan ko na kahit ang pag kain ay hindi ko na magawa.

"Please, Rae..." Jaxon added kaya hindi na ako nakatanggi.

I simply nodded at him then continue eating kahit pa conscious na conscious ako sa itsura ko ngayon. I can still see Levi's gaze on me at wala yata siyang balak tantanan ako.

"What are you doing here, Jaxon? Hindi naman dito ang department mo," I heard Levi suddenly said to him.

Malalim ang boses nito na parang may halong pagbabanta. Ano na naman ba?!

"I came here for Astraea, not for you," Jaxon coldly said to him kaya naging alerto na ako.

Mabilis akong tumingin sa kanilang dalawa at inayos ang upo dahil ramdam kong may hindi magandang mangyayari. Nakita ko pa ang matalim na pagtitig sa'kin ni Mari kaya inirapan kong muli siya.

"I'm your boss here—"

"You're not my boss, Levi. Kung hindi ka lang naman na-appoint bilang CEO ay wala ka rito. Stop preaching yourself in front of her," Jaxon told him, cutting him off.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa gitna nilang dalawa o kung sino ang unang aawatin ko. Parang magsusuntukan pa yata ang dalawang tanga na 'to!

"You are still my employee. Hindi ka dapat narito!" Levi hissed to him at tuluyan na itong tumayo habang si Jaxon ay nanatili pa ring nakaupo na parang mas inaasar pa ang pinsan niya.

Nakita ko ang pagtutok ng tingin sa'min ng lahat kaya napatayo na rin ako habang umiiling. I was about to hold him when Mari slap my hand kaya mabilis akong tumingin sa kaniya.

"What—"

"Don't you dare touch him," mariin nitong sinabi sa'kin.

Bago pa man ako makasagot ay narinig ko na ang malulutong na mura ni Levi kaya nabaling na ulit ang tingin ko sa kaniya. Nagsisimula nang pumula ang tainga at leeg nito at parang kaunting minuto na lang ay mapipigtas na ang iniingatan nitong pasensya kaya nakaramdam na agad ako ng kaba.

"Stop acting like a kid. I'm just here to talk to her. Bakit parang binabakuran mo na naman—"

"I should because she is the mother of my child!"

Halos lumuwa ang mga mata ko nang marinig koi yon. Laglag ang panga kong nakatingin sa kaniya habang inaalala na narinig ng lahat kung anong sinabi niya. Ramdam ko ang mabilis na pagtayo ni Jaxon sa gilid ko at hinawakan ako sa kamay na hindi nakaligtas sa paningin ni Levi.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo," Jaxon uttered to him which made him laugh.

Hindi ko pa rin alam kung anong mararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ng lahat lalo na si Mari na lalong tumalim ang tingin sa'kin.

"I know what I'm saying, fucker. You even hid her from me," Levi firmly said to him at mabilis na tumungo kay Jaxon.

Hindi ko na natutukan ang lahat dahil masyadong mabilis ang pangyayari. Namalayan ko na lamang ang pagbagsak ni Jaxon sa sahig habang may umaawat na kay Levi. Napaupo pa ako dahil natamaan niya ako nang sugurin niya si Jaxon.

"Oh my god! Rae!" I heard Yerim shouted and immediately went to me. Sabay pa sila ni Rafa.

"Tumigil na kayo, ano ba!" Rafa screamed habang dinadaluhan ako.

"Kasalanan mo ang lahat kung bakit kami nasira. Ggao ka!" sigaw ni Levi sa tono ng nanggigigil kaya lalo akong napamura sa isip ko.

Oh... they are broadcasting everything here!

"Ikaw ang may kasalanan! You fucked up at dinamay mo pa si Astraea. Wala ka talagang kuwenta!" sigaw pabalik ni Jaxon sa kaniya.

Nang tuluyan na akong makatayo ay mabilis kong hinanap ang kamay ni Levi at nang makita ko 'yon ay hinawakan ko agad siya. Tinapunan niya ako ng tingin at kitang-kita ko roon kung gaano siya nagpipigil ng galit.

"T-tama na. Let's just go..." I uttered to him, almost crying.

His expression immediately softens when he looked at me. Binitiwan na siya ng dalawang guard na umawat sa kaniya at mabilis na pinalis ang mga luha ko. He held my hand tightly at saglit na tumingin pa kay Jaxon bago ako tuluyang hilahin palayo roon.

Nang makarating kami sa parking lot ay ipinasok niya ako sa passenger seat ng kotse niya at marahang dinaluhan nang makapasok na rin siya.

"I'm sorry, Rae. I didn't mean to say that in front of everyone. It's just that..."

"He was just provoking you. Bakit kasi pinatulan mo pa?" Hindi ko na napigilang singhal sa kaniya.

Narinig ko ang marahas na paghinga niya kaya tiningnan ko siya. Pulang-pula ang tainga at leeg nito at patuloy pa rin sa pagbulong ng mura. His forehead furrowed and looked at me again. Matagal siyang tumitig sa'kin bago huminga nang malalim.

"I'm fucking jealous. Matagal ko nang gustong gawin iyon sa kaniya. He's a fucking traitor! At ano ang pag-uusapan ninyong dalawa?" Walang preno nitong sinabi sa'kin kaya halos matawa ako.

"Mag-uusap lang kami tungkol sa ginawa niya. Gusto lang siguro niyang magpaliwanag and I also want to hear it," I replied to him at kinabit na ang seat belt ko.

Dahil sa selos niya ay nalaman na ng lahat na may anak kaming dalawa. Bwisit talaga ang lalaking 'to kahit kailan.

He started the engine while still furious about what happened. He placed his elbow on his car window at nilagay ang kamay sa baba niya. Kunot na kunot pa rin ang noo nito habang diretso ang tingin sa kalsada.

"Stop seeing him, Rae, I'm telling you," pagbabanta niya sa'kin kaya napataas ang kilay ko.

"Don't tell me what to do. Hindi naman kita boyfriend—"

"I can be your boyfriend or even your husband. Don't dare me, Astraea," he said in his baritone voice kaya napailing na lamang ako.

I looked outside the window at pansin ko kung saan kami patungo.

"Hinding-hindi mo na ako makukuha ulit, Levi kaya huwag ka nang umasa—teka, saan ba tayo pupunta?" Agad na tanong ko sa kaniya nang mapansin kong pamilyar ang daan na tinatahak namin.

Nilingon ko siya at hinintay ang sagot ngunit nakita ko lamang ang kakaibang ngisi niya roon. Tinagilid niya ang ulo niya upang tingnan ako saglit. Bago niya ibinalik ang tingin niya sa kalsada ay bumaba pa ang tingin niya sa'kin hanggang sa dibdib ko kaya napakunot ang noo ko.

He bit his lower lip and looked back on the road.

"I'll take you and our daughter to our house. They want to meet Asteria... and you," marahan niyang sambit sa'kin kaya naging alerto ako.

"What? No way. Uuwi ako mag-isa at hindi mo kami dadalhin sa bahay niyo!" I commanded him pero hindi man lang niya ako pinansin.

Tumango-tango pa ito habang nakangisi pa rin kaya mas lalo akong nainis.

"Sure, you can go home as long as you want. But I will make sure you'll come back to me while begging to be enslaved by my arms again," he seductively told me and gave me a dirty look.

Oh, really?

The Night in Tierra Fima | Acuzar Empire Series 1 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon