C - 05

318 8 1
                                    

                         Ashtrielle Velasco

Napatigil kami sa pag-uusap ng biglang tumunog ang aking cellphone kaya dali dali kong sinagot ang caller.

[" Dr. Alfred? may-"] hindi ko pa natatapos ang aking sinabi ng pangunahan na niya ako kaya bigla akong napatayo sa aking narinig.

["Maraming naisugod kanina dito sa hospital galing sa isang lugar kaya pumunta ka na dito"] paliwanag nito bago pinatay ang tawag kaya dali dali kong kinuha ang aking susi.

"Ash anong nangyari?"

"May mga sinugod sa hospital at kailangan kong pumunta doon" sagot ko sa tanong nito kaya napatayo rin ito.

"Sasama ako" deretsong wika niya kaya nagtungo muna ako kay nanay.

"Nay kayo na pong bahala sa lalaking dinala ko dito kapag po nagising na siya sabihin niyong hintayin niya ako." mahabang lintaya ko kahit naguguluhan ito ay tumango nalang siya.

"Bakit saan ba ang punta mo?" tanong nito.

"Sa hospital nay" lumakad na ako palabas sa kusina at narinig ko pa ang sinabi nito.

"Mag iingat ka!"

Nang makalabas na ako ay sumakay na kaming dalawa sa kotse at ako na ang nagmaneho patungong hospital.

Limang minuto bago kami nakarating at tama nga si tito dahil may mga ambulance ang nakaparada sa labas. Papasok na sana kami ng may sumigaw sa pangalan ko.

"Ash, saan ka galing?" nagaalalang tanong ni lara pero sinabi ko lang na mamaya na kami magusap.

Patakbo kaming tatlong nagtungo sa operating room at naabutan namin si dr. Alfred na kaka labas lang.

"Magpalit ka na" tumango lang ako bago nagtungo sa bathroom para magpalit ng damit.

"A asikasuhin ko lang ang ibang pasyente" tumango muli ako kay Keshia nang lumabas din ito galing sa cr. Kaya sabay na kaming nagsimulang magtrabaho.

Marami ang mga pasyenteng naoperahan namin dahil sa isang pagsabog daw ng isang building bigla ko namang naalala kanina yung pinuntahan namin siguro ay doon sila nanggaling.

Alas syete na nang gabi kami natapos at nakahinga naman ako ng maluwag dahil successful lahat ang mga operation namin.

"You need to rest Ash" tapik ni tito sa akin bago umalis kaya umupo muna ako sa isang upuan malapit dito.

Napapikit muna ako nang bigla kong naalala si zavier nasa bahay pa pala ito. Kaya dali dali akong nagpalit nang damit.

Nang matapos na ako ay lalabas na sana ako ng makita ko rin si Keshia at Lara na pa takbong nagpunta sa akin at pawis na pawis pa sila.

"Kamusta" sabay nilang wika at umakbay pa ang dalawa sa magkabilang balikat ko.

"Gusto ko nang magpahinga" mahinang wika naming tatlo bago kami nagsitawanan.

Paglabas namin sa labas ng hospital ay pareho kaming napatigil nang may dalawang lalaking nakatayo sa labas napakunot ang aking noo nang makita namin ito.

Anong ginagawa nila dito?

"Ikaw, bakit umalis ka kanina alam mo bang muntik na akong mapahamak ha!" bulyaw ni Keshia na may halong galit at nagtungo sa harapan ni Raven bago niya ito batukan.

"Okay I'm sorry may inaasikaso lang ako pero huwag kang magalala nandito na ako, sabihin mo nalang kong miss mo ako" wika nito at mahina na ang huli nitong sinabi dahil nakita ko pa ang masamang tingin ni Keshia sa kanya.

I'm His Personal Doctor Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum