C - 23

142 5 0
                                    

Ashtrielle Velasco

"Ano ang pangalan ninyo mister, para mailagay ko sa record?"

Nabaling ang tingin ko kay Lara nang tanungin niya sila habang may hawak siyang record. Nagkatinginan naman ang dalawa mukhang nag uusap pa sila gamit ang kanilang mga mata.

"Kakausapin nalang namin si Doc. Alfred hindi na namin kailangan magpakilala" deretsong sagot naman ng isang lalaki, napansin ko ang pagtitimpi ni Lara na baka masapak ito ganun din ako.

Bakit ba napaka mysterious naman nila kahit pangalan lang ayaw pa nilang sabihin. Siguro may tinatago sila!!.

Hindi ko nalang sila inistrubo at sa labas nalang nakatuon ang aking atensyon.

Pagkarating namin sa hospital ay kaagad na akong lumabas at naka abang naman ang mga Nurse dito kaya sila na ang tumulong sa kanila kasama si Lara.

Tinungo ko lang ang opisina ni tito dahil may gusto lang akong alamin, siguro kilala niya kung sino sila.

"Doc. Velasco ayos lang ba sila?" kaagad siyang lumapit sa akin nang makita niya ako sa labas.

"Maayos na ang lagay nila Doc. Pero kailangan muna nilang manatili sa hospital hangga't hindi pa sila gumagaling"

Ngumiti ito sa akin nang marinig ang aking paliwanag.

"Kilala niyo ba sila?" tanong ko kay tito kaya napatigil ito saglit at seryoso na itong tumingin sa akin.

"Ang lalaking tumawag sa akin si Zamier yun , bakit may problema ba sa kanya?" umiling ako kaagad sa naging tanong ni tito.

Yung lalaking tinulungan ko kanina, ngayon ko lang napansin na may kamukha siya pero imposible naman kung ganun.

"Mauna na ako tito, I have a lot of patient" tanging pagtango lang ang kanyang naging tugon bago ako umalis.

I just went to my patients that I had to visit and it seems that many have been discharged because they are getting back to their strength.

It took me maybe two hours, so I rested in a chair near the patient's rooms. I closed my eyes first because of feeling tired.

Nakakapag taka lang kung bakit kailangan pa nilang tumawag nang medical para gamutin namin doon kung pwede naman na dalhin nalang sila dito sa hospital.

Pakiramdam ko may hindi magandang nangyayari sa kanila. Hindi ko na natanong kanina kay tito kung bakit kilala niya ang mga iyon.

Biglang nagring ang aking phone kaya kaagad ko itong kinuha nang hindi tinitignan ang tumawag.

["What is it?"] mahinang tanong ko sa kabilang linya at hinintay ko lang ang sasabihin nito.

["Im here outside the hospital doctor!!"]

Bigla akong napatayo nang marinig ang boses ni zavier, napatingin naman ako sa aking relo nang napagtantong alas tres na pala nang madaling araw.

["Okay wait me there"]

Kaagad akong nagpunta sa aking opisina bago kinuha ang aking bag at tinanggal ko na din ang aking lab gown bago lumabas.

Pagkarating ko sa main entrance ng pinto ay nakita ko siya nakatayo sa malapit sa kanyang kotse.

Naglakad lang ako patungo sa kanya at mukhang sinusuri pa niya ang aking katawan.

"Are you okay wife?, You look tired!" bakas sa boses nito ang pag-aalala bago niya hinawakan ang aking kamay.

Napatingin naman ako sa kanya, kahit saang anggulo talaga napaka gwapo talaga niya. Nabalik lang ako sa ulirat ng hilahin niya ako bago niya ako niyakap.

I'm His Personal Doctor Where stories live. Discover now