C - 41

245 6 2
                                    

Ashtrielle Velasco

"Can we talk" kalmadong wika ko at walang pagaalinlangan naman siyang tumango.

Pinunasan ko muna ang luha sa aking mata at tumabi ako sa kanya. Mayroong bench malapit sa room ni zavier dito sa labas.

"You are?"

"Ashtrielle just call me ash" kaagad kong sagot at nagawa ko pang makipagkamay sa kanya.

Hindi ko maintindihan kong bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa babaeng ito, napakainosente niyang tignan, I can't deny she's beautiful, parang may lahi nga siya.

"You are doc Velasco right?" hindi makapaniwalang tanong nito at dahan dahan naman akong tumango.

Ilang segundo lang ng namayani ang katahimikan ngunit kaagad din siyang nagsalita.

"I am Krishley Wilson" ginantihan ko lang ito ng ngiti ng magpakilala siya, kahit sa kalooban ko ay medyo nakaramdam ako ng lungkot.

"Alam mo ba ang laki ng pinag bago ni Zavier, i was surprised about last day, dahil nakita ko siyang umiiyak, hindi ganun ang kilala kng zavier because he's heartless at wala siyang pakialam sa ibang tao."

Tanging pagsang-ayon lang ang tinugon ko sa kanya habang kwinekwento nito ang tungkol kay zavier.

"Its been a years since the last I saw him, ang dating zavier na hindi niya hinahayaang mapahamak siya at gahit galos manlang ay hindi niya hinahayaan but now it all change." malungkot ang boses niya habang sinasabi ang mga iyon. Hindi ko maintindihan kong bakit sinasabi niya ito sa akin.

" I'm sorry if I'm being talkative "mahinang natawa ito ngunit wala namang problema sa akin, mas gusto ko ring malaman ang ibang alam niya tungkol kay zavier.

"I'm confused last time ago, youre crying while standing behind us doc, do you have a relationship with him?" humarap ito sa akin at halata sa kanyang mukha ang pagtataka.

Gusto kong sabihin na asawa ko siya ngunit baka mas lalo siyang ma bigla.

"I'm his personal doctor"

"You're lying doc." ngumiti siya na parang alam niya ang totoo. May alam ba siya?

"Walang doctor na iniiyakan ang pasyente kapag may iba itong ka yakap, maliban nalang kung may mas malalim pa kayong relasyon sa isa't isa" napaiwas ako kaagad ng tumingin siya mismo sa aking mga mata.

The way she talk to me parang wala siyang pagaalinlangan, ang malumanay niyang magsalita.

"I'm sorry, kung ano man ang namamagitan sa inyo ni zavier hindi ko inaasahan na masira iyon, he didn't tell me this, hindi ko rin alam na may anak siya" sinubukan kong ipaliwanag sa kanya ang gusto kong sabihin, dahil ayokong ito ang magiging dahilan ng pagaawayan namin. Mas mabuti ng sabihin ko sa kanya ng malinaw.

"What? May anak si zavier" hindi makapaniwalang tugon nito, ngunit mas lalo din akong nagtaka dahil sa kanyang sinabi.

"May bata kayong kasama noong nakaraang araw, hindi mo ba -"

"I'm sorry Doc. but I think you misunderstood us" hinawakan nito ang aking kamay at gulat siyang bumaling ng tingin sa akin.

"Wala pang anak si zavier, maliban nalang kung may anak siya sa iyo" mas lalo akong nagulat ng sabihin niya iyon.

Hindi ko siya maintindihan, bakit wala manlang bahid na galit ang kanyang maramdaman dahil kausap ko siya at may relasyon kami ni zavier.

"Hindi ko asawa si zavier kung iyon ang bumabagabag sa isip mo, at anak ko ang batang kasama namin pero hindi galing kay zavier" bigla nalang akong nakaramdam ng ginhawa dahil sa mga narinig ko mula sa kanya.

I'm His Personal Doctor Where stories live. Discover now