C - 07

214 10 0
                                    

Ashtrielle Velasco.

Nang makarating kami sa bahay nito ay nagpaalam muna ako na hintayin nalang nila ako dito dahil uuwi rin naman ako sa bahay.

"Nandyan ba si zavier?" tanong ko sa tauhan nila at nagkatinginan pa sila.

"Hindi pa po namin siya nakikita Doc. Tignan niyo nalang sa loob" tumango lang ako sa naging sagot nila kaya pumasok nalang ako sa loob.

Wala ni kahit anong tao ang narito, nasaan ang mga maid?

"zavier" sigaw ko sa pangalan nito at nagpunta muna ako sa kusina pero wala ito.

Tinignan ko ang bawat sulok nang bahay, pero hindi ko siya nakita. Kaya naisipan ko nalang na tignan ito sa taas..

Nang makarating ako ay kumatok muna ako sa kwarto nito pero wala parin siya. Nakaramdam ako ng pag-aalala dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Sinubukan kong hapitin ang door knob pero baka lock ito. Umatras muna ako para sipain, wala na akong pake kung masira ang pinto babayaran ko nalang.

Nang mabuksan na ito ay patakbo akong pumasok sa loob at nulibot ko ang aking paningin pero wala siya.

Nasaan na iyon? Umalis nanaman ba siya.

Kahit sa banyo ay wala ito, kaya agaran na akong bumaba. Ala Sais na nang gabi at siguradong may pinuntahan ito.

"OH anong balita"

Napansin nila ang mukha kong nagaalala kaya nagtaka rin silang nakatingin sa akin.

"May nangyari ba?"

"wala si zavier sa bahay niya hindi pa iyon magaling eh, ang tigas talaga ng ulo ng lalaking iyon" nainis kong wika bago sumakay.

Naisipan kong maki sabay nalang kay Keshia dahil nandoon naman si Raven baka alam niya kung nasaan ang kaibigan nito.

"Mag iingat kayo" ngumiti kami kay Lara at kumaway bago ito lumabas sa kotse.

Inihatid na namin siya kaya lumipat si Keshia sa driver seat at siya na ang nagmaneho.

"Tumitira ba si Raven sa bahay mo?" pagbabasag ko nang katahimikan kaya nakakunot noo siyang tumingin sa akin.

"Hindi ah, tsaka pumupunta lang siya doon para bantayan ako pero minsan lang siya mag overnight" napangiti ako ng palihim dahil alam kung puro bangayan nanaman ang mga ito.

"Ikaw? diba personal doctor ka ni zavier eh bakit hindi mo siya nakakasama?"

Hindi ko rin alam kung titira ba ako sa bahay niya dahil hindi pa naman niya ako kinakausap tungkol dito. Pero maayos narin yung pinupuntahan ko nalang siya sa bahay niya.

"Alam mo ganyan din ako noong pumupunta ako sa bahay niya para checkupan siya, palaging wala hindi ko rin alam kung saan siya nagpupunta eh" paliwanag nito kaya itinuon ko nalang sa daan ang aking paningin.

Saan na ba kasi iyon, kaka sabi kolang kanina na huwag umalis eh.

Nang makarating kami sa bahay ni Keshia ay may isa pang kotse ang narito kaya bumaba na muna ako dahil ipaparada pa nito ang kotse.

Sumunod lang ako sa kanya papasok at napansin ko naman ang isang lalaking nasa kusina habang Nagluluto.

"Bakit ngayon kalang umuwi?" napatigil ako dahil sa tanong ni Raven kay Keshia.

Concern ah!

"Marami kasi akong ginawa at huwag mong sabihing na miss mo ako kaagad" siniko ko si Keshia dahil talagang dito pa talaga niya dinala ang katarantaduhan niya.

I'm His Personal Doctor Where stories live. Discover now