C - 42

334 9 5
                                    

Ashtrielle Velasco

Dalawang oras bago kami natapos sa operasyon, i feel tired, gusto kong magpahinga pero kailangan ko munang makausap ang pamilya ng pasyente at gusto ko ring makita si zavier.

"Kayo na ang bahala" tumango ang ibang Nurse na natira dito, sabay na kaming umalis ni Keshia sa OR .

Pagkalabas pa lang namin ay bumungad na sila Raven at dracey, anong ginagawa nila dito? 

I saw krishley, nilapitan ko siya at bakas ang gulat sa kanyang mukha, ramdam ko ang pag-aalala niya sa kanyang asawa.

"Doc. Ash?, ikaw ang nag opera sa kanya, how is he?" hinawakan ko siya sa kanyang kamay para pakalmahin siya dahil nanginginig ito.

"The operation is successful, kailangan lang nating obserbahan ang kalagayan niya, ililipat palang siya sa Room" sinubukan kong ngumiti sa kanya at nagulat naman ako ng yakapin niya ako.

"Thankyou doc. Ashtrielle!" ginantihan ko lang ito at nabaling ang tingin ko sa dalawa kung bakit kasama nila si krishley. Walang nagbabantay kay zavier?

"I didn't know that you are the one who take the operation"

"Matagal ko nang nakausap si Doc. Alfred tungkol sa pasyente pero hindi ko alam na si gavriel iyon" paliwanag ko bago ito muling ngumiti sa akin.

Sa tingin ko kapag nagising rin si zavier ay magkikita na silang muli. I hope he will wake up.

Nagpaalam lang siya sa amin dahil susundan niya ang paglipat sa kanyang asawa.

"Bakit kayo nandito?" nakatinginan muna nag dalawa bago sumagot si Raven.

"Gusto din naming malaman ang kalalabasan ng operasyon, we are still buddies kahit hindi namin siya nakasama ng matagal" paliwanag niya.

Lahat kami ay napatingin sa isang Nurse na nagmamadaling nagtungo sa aming kinaroroonan.

"Doc. Ash gising na si Nurse sanchez" nakatingin an kami ni Keshia, bakas ang gulat sa aming apat bago kami nagmamadaling nagtungo sa silid ni Lara.

Sobrang saya ang nararamdaman ko, gising na siya, hindi ko mapigilan ang aking emosyon napaluha nalang ako ng wala sa oras bago kami nakarating.

"Youre awake Lara!" hindi makapaniwalang wika ni Keshia at kaagad niya itong nilapitan bago niyakap,.

Ramdam ko sa kanya na sabik siyang muling makasama si Lara, ganun din ako. Ilang linggo namin siyang hinintay na muling magising, dahil sobrang nagaalala kami sa kanya. Hindi pa rin namin alam ang buong nangyari sa kanila.

Ngayong gising na siya, sana ay maalala pa niya kung sino ang gumawa nito sa kanila ni nanay.

"I'm glad that you're awake, pinagalala mo ako" walang pagaalinlangan na lumapit si dracey kay Lara at dinanaan pa talaga ako.

"Are you okay? Do you feel anything,  sabihin mo lang sa akin" sunod sunod nitong tanong, dinaig pa ang magulang kung magalala.

Mukhang baliktad ata, dapat kami ang nagtatanong ng ganun sa kanya dahil mas malapit kami at bilang kapatid na ang turingan namin, pero sadyang pa epal lang si dracey.

Nagkatinginan pa kami ni kehsia at mukhang nakuha naman niya ang gusto kong iparating.

"Ash, masaya ako at walang masamang nangyari sa iyo"

Taka akong tumingin sa kanya, at nabaling din ang paningin nilang lahat sa akin.

"Walang masamang mangyayari sa akin Lara, ikaw ang inaalala ko dahil sa akin, nadamay kayo ni nanay" malungkot kong wika.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm His Personal Doctor Where stories live. Discover now